Binati ng dating aktres na si Marjorie Barretto si Gerald Anderson, ang kasintahan ng kanyang anak na si Julia, sa ika-33 taong kaarawan nito noong L
Binati ng dating aktres na si Marjorie Barretto si Gerald Anderson, ang kasintahan ng kanyang anak na si Julia, sa ika-33 taong kaarawan nito noong Lunes.
Sa birthday post ni Gerald sa kanyang Instagram, nag-iwan ng komento ang ina ni Julia Barretto na nagpapahayag ng pagpapasalamat sa aktor.

“Happy birthday again! Thank you for all that you have been to our family,” saad ni Marjorie.
Inilarawan niya rin ang aktor bilang isang taong maalalahanin, masaya at mabait, lalo na sa kanyang bunsong anak na si Erich.
“So thoughtful, fun and ever so kind especially to Erich. And for always introducing new adventures to us. Let’s celebrate when you get back!,” dagdag pa niya.
Noong kalagitnaan ng 2019, naging sentro ng kontrobersiya si Gerald matapos ang hiwalayan nila ng aktres na si Bea Alonzo.

Kalaunan ay na-link ang aktor kay Julia, ang kanyang co-star sa Japan-set romantic drama na “Between Maybes.” Gayunpaman ay pareho nilang itinanggi na higit pa sa magkaibigan ang kanilang relasyon ng mga panahong iyon.
Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda noong Marso noong nakaraang taon, sa wakas ay inamin ni Gerald na masaya siya kay Julia.
Marjorie Barretto, nagbigay ng mensahe para sa kaarawan ni Gerald Anderson
Source: Babaero Balita


0 Comments