Bumalik sa kanyang bayan sa Butuan City noong Miyerkules ang “The Voice of the Philippines” 2015 champion na si Jason Dy para magtanghal sa entablado
Bumalik sa kanyang bayan sa Butuan City noong Miyerkules ang “The Voice of the Philippines” 2015 champion na si Jason Dy para magtanghal sa entablado bilang pagsuporta sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo at running mate na si Sen. Kiko Pangilinan.
Kabilang ang “ASAP Natin ‘To” performer sa mga guest artist sa campaign rally nina Robredo at Pangilinan na ginanap sa Guingona Park.

Pinasaya ni Jason, na tinaguriang Pride ng Butuan sa kanyang pagkapanalo sa The Voice, ang kanyang mga kababayan sa pamamagitan ng pagkanta ng kanyang mga signature tunes at sa kanyang pag-endorso sa tiket ni Robredo para sa halalan sa Mayo.
Bukod kay Jason ay kasama rin sa mga artist na nagtanghal sa rally ang mga finalist ng “Search for the Idol Philippines” na sina Lance Busa, Miguel Odron, at Matty Juniosa.

Kabilang na ngayon si Jason at ang kanyang mga kapwa performers noong Miyerkules, sa dose-dosenang mga showbiz personalities na sumama at nagpakita ng suporta sa mga rally nina Robredo at Pangilinan.

Kabilang ang mga music icon na si Sharon Cuneta (asawa ni Kiko Pangilinan), OPM rock icon na si Ely Buendia, “Ako Ay Pilipino” singer na si Kuh Ledesma, at mga screen veteran na sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano sa mga nagpahayag ng suporta para sa dalawang kandidato sa magkahiwalay na rally na nagsimula noong nakaraang buwan.
Noong Marso 2 ay minarkahan ng mang-aawit ang kanyang ika-pitong anibersaryo mula ng manalo sa ikalawang season ng ‘The Voice of the Philippines.’

Pride ng Butuan na si Jason Dy, ikinampanya si Leni Robredo sa kanyang mga kababayan
Source: Babaero Balita


0 Comments