Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Sue Ramirez at Diego Loyzaga, magtatambal sa bagong pelikulang “Mr. Heartless”

Magbibida ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez katambal si Diego Loyzaga sa bagong pelikulang “Mr. Heartless” na ididirek ni Jason Paul Laxamana.


Magbibida ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez katambal si Diego Loyzaga sa bagong pelikulang “Mr. Heartless” na ididirek ni Jason Paul Laxamana.

Ibinahagi ni Direk Jason Paul ang kanyang excitement na makatrabaho ang dalawang aktor sa pamamagitan ng pag-upload sa social media ng larawan kasama ang bagong onscreen partners.

Noong 2015 ay nagkatrabaho na ang dalawa sa seryeng “Pangako Sa’yo” na pinagbidahan ng reel-to-real couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Naging parte rin sila noon sa Sunday noontime program na “ASAP Chillout”.


Kasalukuyang abala sa kanya-kanyang proyekto ang dalawa. Si Diego ay bida ngayon sa pelikulang “The Wife” at malapit na ring mapanood sa “Greed,” kung saan makakatambal niya ang nagbabalik-pelikulang si Nadine Lustre.

Kamakailan ay laman ng mga balita ang aktor dahil sa pakikipaghiwalayan nito sa aktres na si Barbie Imperial at iba pang isyu.

Samantala, si Sue naman ay bahagi ng primetime drama ng ABS-CBN na “The Broken Marriage Vow,” ang Pinoy adaptation ng “Doctor Foster” ng BBC.

Ang pelikulang “Mr. Heartless” ay isang coming-of-age romantic comedy-drama film na handog ng Viva Films.

Ang direktor na si Jason Paul Laxamana ay kilala sa kanyang mga pelikula tulad ng 100 Tula Para kay Stella, A Day After Valentines, To Love Some Buddy, Between Maybe’s, Just A Stranger, Ang Henerasyong Sumuko sa Love, at marami pang iba.



Sue Ramirez at Diego Loyzaga, magtatambal sa bagong pelikulang “Mr. Heartless”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments