Ang kontrobersiyal na pagkamatay ng thai actress na si Nida ‘Tangmo’
Viral at tunay na pinag-uusapan ng mga pinoy ang kotrobersyal na balita patungkol sa pagkamatay ng isang actress sa bansang thailand.
Ang sikat na thai actress ay si Nida ‘Tangmo’ Patcharaveerapong na namatay matapos na mahulog ito sa sinasakyan niyang speedboat.
Sa simula ng kuwento noong Pebrero 24 ay nagkakasiyahan sila ng kaniyang lima pang kaibigan sa isang speedboat na kanilang sinasakyan.
Dakong 10:00 ng gabi ay umupo umano sa likurang bahagi ng speedboat si Tangmo upang umihi, dahil sira umano ang banyo ng speedboat. Sa pagkakataong ito habang naka upong umiihi ay na out of balance ito upang tuluyan siyang mahulog.

Nakita umano ng manager niya ang pangyayari at agad na iniulat ang pangyayari sa otoridad, naiulat pang agad namang dumating ang mga rescuers.
Sa lakas umano ng agos ng ilog kasabay na rin ang kadiliman ng gabing iyon ay nahirapan ang mga rescuers na hanapin si Tangmo.
Makalipas ang mahigit sa 38 oras na paghahanap ay natagpuan ng otoridad ang wala ng buhay na katawan ni Tangmo ilang metro ang layo mula sa pinagkahulugan niya.
Ngunit ang kagimbal gimbal na pangyayari ay ang ilang mga cctv footage kung saan makikita ang ilang kaganapan sa sinakyan nilang speedboat.

Kaugnay pa rito ang magkakaibang statement ng limang kaibigan o nakasama ni Tangmo sa speedboat, kabilang na ang manager nito na nagsabing nakita niyang nahulog si Tangmo.
Sa ulat ng Thai PBS World nitong Marso 1, sinabi ni Police Lt. Gen. Jirapat Phumichit, commissioner ng Provincial Police Region 1, kinumpirma ng isinagawang forensic examination na namatay si Tangmo sa pagkalunod.
Mayroong ding malalim na sugat ang aktres sa kaliwang binti na posibleng sanhi ng pagkakahampas nito ng mahulog siya sa propeller ng bangka.
Nakitaan din ito ng buhangin sa baga nito, ipinaliwanag ng doktor na humihinga pa ang aktres nang mahulog ito sa ilog.

Dahil nga sa mga magkakaibang salaysay ng limang kaibigan at nakasama ni Tangmo ng siya ay mahulog, ay mahaharap ang mga ito sa kaso.
Kasong kapabayaan na humantong sa kamatayan at pagbibigay umano ng maling pahayag ang dapat na kahaharapin ng limang kaibigan ni Tangmo.
Ang limang personalidad na ito ay ang kanyang manager na si Idsarin “Gatick” Juthasuksawat; mga kaibigan na sina Nitas “Job” Kiratisoothisathorn, Wisapat “Sand” Manomairant at Phaibon “Robert” Trikanjananun; at may-ari ng speedboat na si Tanupat “Por” Lerttaweewit.
Ngunit sa nakakagulat na pangyayari ng imbestigasyon pa ay ang pagtanggap ng ina ni Tangmo ng mahigit sa 30 Million thai baht o mahigit sa P47 Milyon mula sa may-ari ng speedboat.

Ayon pa sa ina ni Tangmo na pinapatawad na niya ang dalawa sa limang personalidad, kung saan ang may-ari ng speed boat ang isa, dahil na rin sa pag-hingi nito ng tawad sa pangyayari.
Nilinaw naman niyang napatawad na niya ang mga itong ngunit hindi dahil sa natanggap niyang pera.. kaakibat naman ang patuloy na pagkadismaya niya sa tatlong personalidad kabilang na ang manager ni Tangmo na hindi pa umano nakikipag-ugnayan sa kaniya.
Si Nida ‘Tangmo’ Patcharaveerapong ay isa sa pinakaskat na artista ng Thailand.
Ang kwentong patuloy na pinag-uusapan, pagkamatay ng thai actress na si Nida Tangmo
Source: Babaero Balita


0 Comments