Nagbahagi ng kaniyang kumento si Karla Estrada sa kaibigang si Melai sa pagsuporta nito kay VP Leni
Nalalapit na nga ang halalan at muli na namang magha halal ng panibagong lider ang mga botanteng pinoy kaya naman kabi-kabila na ang campaign ng mga kandidato.
Kaya naman kabi-kabila rin ang pagbabahagi ng kani-kanilang pagsupirta sa kanilang napiling kandidato ang bawat pinoy.
Partikular na nga rito ang ilang celebrities na nagpapahayag ng kanilang buong pagsuporta sa ilang kandidato, tulad na lamang ni Toni kay Bong Bong at Bianca kay VP Leni.
Kagaya nina Toni Gonzaga at Bianca Gonzales na sa kabila ng pagkakaiba nila ng sinusuportahang kandidato ay nananatili silang magkaibigan pa rin, ganoon rin ang sitwasyon ng magkaibigang sina momshie Karla at momshie Melai.

Si momshie Karla Estrada ay kabilang sa isang partylist na sinusuportahan ang kandidatura ni Bongbong Marcos kaya naman ito rin ang sinusuportahan niya.
Dahil na rin sa pagpasok niya sa politika ay pansamantalang iniwan muna ni Karla Estrada ang pagiging host niya sa programang ‘Magandang Buhay’ at pinalitan siya pansamantala ni Regine Velasquez Alcasid.
Samantala si momshie Melai Cantiveros naman na siyang kasama niya bilang co-host sa ‘Magandang Buhay’ ay iba naman ang sinusuportahan.
Kagaya ng isa pang co host nilang si Jolina Magdangal ay sinusuportahan nito ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Sa kaniyang Instagram account ay proud na ibinahagi ni Melai ang kaniyang matinding pagsuporta sa pagtakbo ni VP Leni Robredo.
“Ang boto ko para kay VP Leni Robredo ay boto ko para sa magandang kinabukasan ng mga kabataang Pinoy!” ang mababasahang mensahe ni Melai sa art card na ibinahagi niya.
At nagkumento nga sa nasabing post si Karla Estrada at tila sinusuportahan niya ang naging pahayag ni Melai, kasabay ang pagpapakita niya ng pagmamahal sa kaibigan.
“Love you lai (3 white heart emojis)… Go go momshie mels! Amping (3 heart emojis),” kumento ni Karla na ni replyan naman ni Melai ng, “yesyesyes ikaw pod chambe”.
Karla Estrada nag react sa post ni Melai sa pag suporta nito kay VP Leni
Source: Babaero Balita


0 Comments