Life Story ni Karen Bordador mapapanood na sa Maalaala Mo Kaya
Itatampok sa longest running drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” ngayong darating na Sabado ang nakakainspire at nakakaantig na istorya ng “Pinoy Big Brother: Kumunity” celebrity housemate na si Karen Bordador.
Sa naganap na virtual media conference nitong Martes, kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Day, emosyonal na nagpasalamat si Karen sa pagbigay ng pagkakataong maibahagi ang kanyang kwento sa “MMK.”
“Earlier nung nag-briefing kami at nakita namin ‘yung video for the first time, I really cried. I can’t believe na my story will be shared finally. Para sa kaalaman po niyo, I am a big fan of ‘MMK.’ Sa loob ng kulungan, pinapanood ko ‘yan every Saturday and we would talk aboout how we would dream be part of this. Honestly, 2 parts is not even enough for that five years I’ve spent inside,” aniya.
“This sharing is not to set me free but it’s to set a lot of people free and to make them realize that life is great,” dagdag pa niya.

Taong 2016, nagsisimula pa lamang na makilala bilang radio DJ at model noon si Karen, ng maaresto siya kasama ang kanyang noo’y boyfriend na si Emilio Lim sa isang buy-bust operation sa Pasig City. Kapwa nakulong at sinampahan ng kasong possession at ilegal na pagbebenta ng ipinagbabawal na droga.
Pinawalang-sala at pinalaya ang dalawa noong Hunyo 2021, matapos makita ng korte ng Pasig City ang “questions of credibility” sa mga pahayag ng saksi at ang mga testimonya na sumasalungat sa CCTV footage na ipinakita bilang ebidensya.
Pagkatapos ng kanyang paglaya, sinikap ni Karen na ipagpatuloy ang kanyang karera, una sa pamamagitan ng muling pagpapakilala sa kanyang sarili at pagsasalaysay ng kanyang karanasan sa pamamagitan ng pagba-vlog.
Kalagitnaan ng Oktubre noong nakaraang taon ng sumali siya sa celebrity edition ng “Pinoy Big Brother: Kumunity.”
Bibigyang buhay naman ng “Viral Scandal” actress na si Kaila Estrada ang papel bilang Karen Bordador.

“Honestly, I am so overwhelmed. You know watching the trailer and seeing it come to life, I am so, so grateful and excited for everybody to see it. Karen’s story is a story of strong woman who is met with a difficult situation pero pinili niyang lumaban para sa katotohanan ng buong tapang at hindi sumuko. It inspired me so much and I’m sure it will inspire everybody,” said Estrada, who is starring in her first-ever “MMK” episode.
“Karen, it was an honor to portray you. You are the epitome of a strong woman for me. And I am just so grateful and it was truly and honor even meet you. So thank you so much for trusting me,” wika ni Kaila.
Ipapakita rin sa 2-part special ang “unconditional love” ng ina ni Karen na si Norie, na gagampanan ng beteranang aktres na si Shamaine Buencamino.
“Norie’s love for Karen is beyond words. She almost gave up her own life just to make sure that Karen is supported and she’s safe inside the jail. Ang hirap po talaga nang pinagdaanan nila. Pero the strength of a mother’s love ay buhay na buhay sa kuwento po nila,” ayon kay Shamaine.
Bahagi rin ng paparating na “MMK” episode na pinamunuan ni Raz dela Torre at at sinulat nina Maribel Ilag at Arah Jell Badayos ang dating “PBB” housemate na si Lou Yanong.
Mapapanood ang pagtatampok ng istorya ng buhay ni Karen Bordador sa “MMK” sa darating na Maso 12 at 19.
Karen Bordador, nagpasalamat sa pagkakataong maibahagi ang kanyang kwento sa “MMK”
Source: Babaero Balita


0 Comments