Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Nagkabalikan? Diego at Barbie spotted na magkasama muli sa isang restaurant

Nagkabalikan na nga ba sina Barbie at Diego?


Tila nabuhayan ng loob ang DeigsBie o fandom ng dating magkarelasyong sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial sa recent activity ng dalawa.

Viral na kasi ngayon ang mga litrato kung saan makikitang magkasamang muli sina Diego at Barbie habang kumakain sa isang restaurant.

Sa isang Instagram account na dedicated para sa kanilang dalawa na ‘DiegsBie Worldwide’ ay makikita ang naturang post at mababasa ang masayang caption nito.


“Diegsbie Fam I’m happy to share sa inyo yng good news.. Happy tayo na dispite sa mga nangyayari last few months. happy tayo makita na ok sila,. Answered Prayers,” caption ng naturang fan account sa ibinahagi nilang litrato nina Barbie at Diego.

Marami naman agad ang siyang nang-usisa sa naturang post at tinanong kung latest ba ang naturang post nila na sinagot ng fan account ng ‘oo’.

Sa isa pang post muli ay isa pang litrato sa kaparehong lugar ngunit ibang anggulo naman nila ang ibinahagi nila kaakibat ang caption na, “Happy seeing you both together again”.

“Sana mag kabalikan na talaga sila. Kita naman na love nila ang isat isa, di lang cguro nagka intindihan kasi mga bata pa.

“Parang sila Elisse Juson at Maccoy lang dati tapos ngayun sila nag katuloyan, may baby na din sila,” kumento naman ng isang fan na hinihiling na sana’y magkabalikan na ang dalawa.

Hindi naman malinaw kung nagkabalikan nga ba ang dalawa o nagkita lamang bilang magkaibigan lalo’t walang kumpirmasyon mula sa dalawa.

Matatandaang nitong Disyembre ng pumutok ang balitang hiwalayan nila mula sa mahigit isang taong relasyon, dahil na rin sa kawalan ng sweet photos nila ng naturang buwan.

Kinumpirma naman ni Barbie ang kanilang hiwalayan sa isang recent interview at sinabing naging maayos at mutual ang hiwalayan nila at saka sinabing sarili naman niya ang siyang kaniyang unang mamahalin.

Halos kapareho rin ang naging hugot ni Diego kamakailan sa isa ring interview at sinabing; “My mind is in the right place. My heart is in the right place. I’m a very happy guy. Everything is great. Self-love is very important. Always love yourself first.”



Nagkabalikan? Diego at Barbie spotted na magkasama muli sa isang restaurant
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments