Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Angelica Panganiban, buntis na raw kaya pansamantalang nagpapahinga sa pag-arte?

Dahil buntis kaya magpapahinga muna sa showbiz si Angelica Panganiban?


Bali-balita ngayon ang pagdadalantao di-umano ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban bilang isa sa dahilan kaya hindi muna ito kasalukuyang tumatanggap ng proyekto kagaya na lamang ng pelikula at teleseryes.

Nitong nakaraang buwan ay kapansin-pansin ang biglang pagkawala ni Angelica sa cast ng upcoming comedy program ng ABS-CBN na “My Papa Pi,” kung saan pumalit naman bilang leading lady ni Piolo Pascual ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.

Sa naganap na ABS-CBN Christmas Special noong nakaraang taon ay dalawang proyekto ang inanunsiyong tatampukan sana ng premyadong aktres para ngayong taong 2022, kabilang ang ‘My Papa Pi” at “The Goodbye Girl”.


Tikom naman ang bibig ng kanyang mga kasamahan sana sa comedy show, maging ang direktor nitong si direk Cathy Garcia-Molina, sa rason kung bakit bigla siyang pinalitan ni Pia bilang kapareha ni Piolo at Pepe Herrera. Wala ring inilabas na opisyal na pahayag ang aktres.

Sa mismong Araw ng mga Puso ngayong taon ay ipinalabas ang “The Goodbye Girl” sa iWantTFC, hango sa best-selling book na “Mga Kwento ng Pag-ibig at Heartbreak” ni Noreen Capili. Nakasama ni Angelica rito sina Elisse Joson, Loisa Andalio, Barbie Imperial at Maris Racal.

Sa pagbukas ng taong 2022 ay bumida naman ang aktres sa matagumpay na digital series na “The Kangks Show” kung saan bawat episode ay positibong tinalakay ang iba’t ibang isyu na may kinalaman sa sex.

Noong nakaraang taon ay nabanggit na ni Angelica na plano niya munang magpahinga o magretire sa paggawa ng mga teleserye ngunit hindi naman daw niya isinasara ang kanyang pinto kung sakali.

“Ayaw kong magsalita ng tapos. Pero, ‘di ba, malay mo, dumating, 20 years from now, mayroon akong role na hindi ko talaga ma-resist and kumbaga kaya kong lunukin ‘yung pride ko at ‘yung paninindigan ko. Wala naman sigurong mawawala sa akin,” aniya.

Hindi pa sila noon ng kasalukuyan niyang boyfriend na si Gregg Homan, ay nabanggit na ng aktres na gusto niyang magkaanak.

Kamailan lamang ay naimbitahan si Angelica ng kaibigan at kapwa aktres na si Angel Locsin sa isang dinner kasama sina Bea Alonzo, Anne Curtis, at Dimples Romana, kung saan marami ang natuwa sa kanilang reunion photos.



Angelica Panganiban, buntis na raw kaya pansamantalang nagpapahinga sa pag-arte?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments