Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Jericho Rosales, patuloy na hinahasa ang pag-arte habang nasa New York

May gagawing proyekto sa Hollywood nga ba si Jericho?


Sa kabilala ng mga pagkilalang natanggap sa pag-arte, hindi pa rin tumitigil sa paghasa ng kanyang kakayahan ang isa sa prominenteng aktor ng Philippine showbiz industry na si Jericho Rosales.

Ibinahagi ni Jericho sa kanyang Instagram nitong Miyerkules, Marso 2, na kamakailan ay dumalo ang Kapamilya actor sa isang acting workshop sa New York City kung saan siya naka-base ngayon.

“Acting workshops – one of my happy places,” aniya. “This stoke is for everyone! Acting should be taught in schools.”


“Anyway, I made a new friend and had a good walk,” isinulat din niya, kasama ang hashtag na #gettingreadytowork.

Noong huling bahagi ng Pebrero nang ihayag ni Jericho ang paglipat sa New York City kasama ang kanyang asawa, modelo at content creator na si Kim Jones.

Ginawa ng aktor ang anunsyo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isang sulyap sa kanilang bagong apartment sa tinaguriang Big Apple.

Gayunpaman, hindi niya sinabi kung mananatili sila ni Kim doon for good, maging ang dahilan sa likod ng kanilang paglipat.

Si Jericho ay huling napanood sa telebisyon sa ABS-CBN primetime series na Halik, na umere mula 2018 hanggang 2019.

Bumida rin siya sa maikling pelikulang Basurero, na nakipagkumpitensya sa Busan International Film Festival noong 2019.

Magsu-shoot din sana si Jericho ng pelikula sa Los Angeles noong nakaraang taon, ngunit hindi pa makumpirma ng aktor kung natuloy ang proyektong iyon.



Jericho Rosales, patuloy na hinahasa ang pag-arte habang nasa New York
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments