Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Ruffa Gutierrez, nakatakdang magtapos ng kolehiyo ngayong taon

Hindi hadlang ang edad!, Ruffa ga graduate na sa college


Nakatakdang tapusin ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang kanyang college degree sa darating na Hulyo, mahigit isang taon matapos niyang unang ibahagi ang pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral.

Si Ruffa ay kasalukuyang kumukuha ng Bachelor of Arts Degree majoring in Communication Arts sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program sa Philippine Women’s University.

“After 34 years of working in the entertainment industry, I have chosen to further my education,” wika niya noong May 2021.


Not only do I want to fulfill a long-held dream and take control of the next chapter of my life, I want to set a good example for my children.”

Noong Huwebes, ibinunyag ni Gutierrez na malapit na siyang magtapos, matapos mapag-usapan sa live episode ng “It’s Showtime,” kung saan regular siyang judge ng isang pageant segment.

Noong nakaraang Miyerkules ay absent si Ruffa sa noontime show, dahilan para tanungin siya ng mga host ng dahilan nang bumalik siya sa studio nitong Huwebes.

“Naku, nag-aaral ako. I had academic deadlines!” sagot ni Ruffa. “Practicum ko na. Tomorrow ang last day ko.”

“I’m graduating college in July,” sabi niya, na naghikayat para i-cheer siya ng mga host.

“At least hindi na lang ako high school graduate. Pero, excuse me, 13 years old naman nagtatrabaho na ako, ‘di ba. [It’s] never too late!” dagdag pa niya.

Si Ruffa ay tinaguriang showbiz “royalty,” dahil nagmula siya sa isang angkan ng mga celebrity na epektibong naglagay sa kanya at sa mga miyembro ng kanyang pamilya sa spotlight simula pa sa murang edad.

Ang aktres ay nagsimula sa showbiz industry noong 1987, ngunit mas lumawak pa ang kasikatan nang siya ay kumatawan sa Pilipinas sa 1993 Miss World pageant kung saan naiuwi niya ang 2nd runner-up.



Ruffa Gutierrez, nakatakdang magtapos ng kolehiyo ngayong taon
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments