Nagpahiwatig ng kaniyang kagustuhang mag vlog na rin ang kapamilya actress na si Angelica Panganiban
Nauna nang sinabi ni Angelica na lalayo na siya sa showbiz para tumutok sa pagiging magulang matapos ihayag na buntis na siya sa kanyang unang anak sa kinakasamang si Gregg Homan.
“Siguro ngayon parang wala naman na akong kailangan pang i-prove na kailangan ko pa ring mag-work di ba? Pero siyempre kung may darating in the future [na work] matagal na matagal pa ‘yon doon lang siguro talaga. Pero napakatagal kong hinintay ito.
“At wala naman akong pinapangarap kung hindi maging isang ina. So ngayong dumating na siya, ito na ang role na gusto kong gampanan. ‘Yun naman muna siguro ang gagawin ko,” saad niya sa isang interview kamakailan ng Star Magic Inside News.
Sa mga pagbabago sa kanyang buhay, sinabi ng aktres na ine-enjoy lang niya ang kanyang pregnancy journey. “Well, ini-enjoy ko talaga dahil ang tagal ko itong hinintay. Lahat ng mga kaibigan ko kapag may nabubuntis, ako ‘yung mahilig mag-interview kung ano ang pakiramdam ganyan.

“Tapos naa-amaze lang ako sa pagiging babae, parang ‘wow ang galing, mararamdaman ko kaya yan?’ So nung dumating siya parang kahit mahirap ang pagsusuka, ini-enjoy ko lang. ‘Ah ganoon pala yon, ah totoo pala, akala niyo kayo lang ha,’” wika niya.
Kamakailan naman ay binahagi ni Angelica Panganiban na nagpaplano siyang gumawa ng YouTube vlog.
Sa Twitter, tinanong ng aktres ang kanyang followers ng mga tanong na gusto nilang masagot niya sa kanyang magiging vlog.
“Iniisip ko mag-start ng vlog, kung sakali, ano ang mga tanong/gusto niyo malaman sa panibagong journey ng buhay ko ngayon? Hanggat kaya sagutin, subukan namin sagutin yarn. Game?,” aniya sa post.
“Madam, kung gagawin mo yan… chill topics and feel good para di nakaka stress ng bongga!,” komento ng isang netizen.

Sinagot naman ito ni Angelica na talagang ikukuwento niya ang kanyang buhay sa probinsiya.
“That’s the plan po. Provincial living,” tugon niya.
Samantala, isa pang netizen ang nag-suggest kung pwede niyang ibahagi ang love story nila ni Gregg Homan. “Story nyo muna ni gregg mami!!” ani ng netizen.
Sagot ng aktres: “Ay wow
kung sabagay, never pala kami nag reveal no? Game.”
“Mami huhu nasesenti ako sa pagpapahinga mo sa showbiz
to reminisce po, ano po ang favorite role na nakuha niyo? Ako po, fave ko po yung rubi niyo super iconic,” pahiwatig naman ng isang netizen.
“Hahahaha. Okay lang yan. Mabuti nga at marami naman akong nagawang projects. Marami kayong pwede balikan.
balato niyo na sakin ang buhay ko ngayon
30 years na ko sa inyo!
,” sagot naman ni Angelica.

Angelica Panganiban, nagbabalak pasukin ang pagba-vlog
Source: Babaero Balita


0 Comments