Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Sunshine Cruz, inasar ang netizen na tumawag sa kanya ng lola: “Kumain ka para…”

Isa isang binanatan ni Sunshine Cruz ang mga bashers niya na tinawag siyang Lola


– Hindi nagpatinag ang aktres na si Sunshine Cruz na sagutin ang mga netizens na tumatawag sa kanya ng ‘lola’

– Pinangaralan niya ang mga ito na huwag gamitin ang mga matatanda upang insultuhin ang kapwa – Proud nga rin ito sa kanyang edad dahil kahit 44 na ito, masaya at malusog naman siya

Proud na proud ang aktres at celebrity mom na si Sunshine Cruz sa kanyang edad na 44 years old. May ilang mga netizens kasi ang tila naiinggit kay Sunshine at hindi matanggap ang ganda ng katawan nito.


Ang mga haters pa nga niya ay tinatawag siyang ‘lola’ o kaya naman ay ‘matanda’ sa comment section ng kanyang mga posts. Sa halip na magalit sa mga kumukutya sa kanya, tinuruan niya ito ng tamang pag-iisip tungkol sa pagtanda.

Nitong April 5, ay nag-post ito sa Facebook ng mga screenshots ng mga users na nilalait siya dahil sa kanyang katawan at edad.

Caption niya, “Guys! Hello! Paalala lang po and to educate others sa maling pagiisip about ageing. Being a lola or having the privilege to age is a blessing denied to many.

“Huwag natin gawing ugali at gamitin ang salitang ‘matanda’ to hurt, insult or describe a person. I am proud of my age. At 44, I am healthy and happy.

“Ang mahalaga ay meron tayong pinagkatandaan. At higit sa lahat wala po tayong tinatapakan at sinasaktan just because nadadagdagan ang ating mga edad. Stay safe and healthy everyone. Magandang Hapon po,” mensahe nito.

Sa unang screenshot naman niya sa post ay makikita ang isang nagcomment ng, “Lola yung buto mo ingat din baka mabalian ka.”

“Are you trying to insult me by calling me lola? Proud of my age! I am 44, healthy and happy.” sagot ni Sunshine. Tila inasar pa nga nito ang nag-comment dahil mas gugustuhin niya umanong maging ‘lola’ kaysa naman maging katulad ng basher.

“Tbh, I’d rather be a lola than be you. Kumain ka para magkaroon ng nutrition ang katawan at pag-iisip mo. You look frail and hungry. Take care and stay healthy,” parinig ng aktres.

Sa parehas na post rin makikitang niresbakan niya ulit ang isa pang basher na tinawag na matanda ang kanyang kapatid na babae.

Sinabihan ito ng salitang Cebuano na “Tigulang” na ang ibig-sabihin ay “matanda na”. “Tigulang na gyod” kontra ng isang netizen. Banat naman ni Sunshine, “My sis is 54 and she obviously looks good for her age. Ageing happens to everyone po.

“Let’s not make it seem na ang pagtanda ay dapat ikalungkot at ikahiya. Blessing po ang mabigyan ng pagkakataong maging ‘tigulang,’” aniya.

“Kwaknit” naman ang ibinato sa kanya ng netizen na ang kahulugan ay paniki. “Still stunning look the outside… ang loob kaya ng sa panty baka matandang kwaknit.”



Sunshine Cruz, inasar ang netizen na tumawag sa kanya ng lola: “Kumain ka para…”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments