Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Maymay Entrata, ibinahagi ang sekreto sa LDR relationship

Nagbahagi ng sikreto si Maymay Entrata ukol sa matagumpay na Long Distance Relationship


Ibinahagi ni Maymay Entrata sa social media kung paano nila napapanatili ng kanyang non-showbiz boyfriend ang kanilang relasyon sa kabila ng mahabang distansya sa pagitan nila.

Ito ay matapos matanong ng kanyang Instagram followers ang Kapamilya actress nitong Miyerkules. Nagtanong ang isa sa kanila: “Paano magiging matatag ang relasyon lalo na sa ldr (long-distance relationship)?”

Sumagot siya sa pamamagitan ng pag-post ng larawan niya kasama ang kanyang kasintahan sa Instagram story na may caption na, “Consistency is the key.”


Noong Araw ng mga Puso ngayong taon nang unang kinumpirma ng 24-year-old actress na si Maymay na siya ay nasa isang romantikong relasyon, kasabay ng pagpapakilala niya sa kanyang nobyo sa social media, na ikinagulat ng kanyang mga tagahanga at kapwa celebrities.

Matatandaang unang nagpahiwatig ang aktres sa kanyang new romance sa isang panayam sa fashion magazine na Mega noong Abril 2021.

“Sa totoo lang po may nagpapasaya na po sa aking puso at naway kahit anong maging desisyon namin ay respetuhin po yun ng aking mga taga-suporta,” aniya.

Katulad din ang pag-amin niya nang tugunan niya ang mga tsismis na nag-uugnay sa kanya sa aktor na si Donny Pangilinan at sa kanyang onscreen partner na si Edward Barber sa talk show na Hotspot.

“Hindi ako in a relationship kay Donny or kay Edward man…Wala po kahit sino sa showbiz, wala,” wika niya ng mga panahong iyon.

Nilinaw pa ng aktres na hindi galing sa showbiz ang nagpapasaya sa kanya ngayon.

Nabanggit ko na naman po ito sa isang magazine na may nagpapasaya sa akin. Opo. Hanggang doon na lang. Basta wala sa showbiz.”



Maymay Entrata, ibinahagi ang sekreto sa LDR relationship
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments