Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Herbert sa relasyon kay Ruffa: “Hindi siya ganoon kaseryoso pero….”

Ipinaliwanag ni Herbert Bautista ang totoong estado ng relasyon nila ni Ruffa Guterrez


Inilarawan ng aktor-politician na si Herbert Bautista ang kanyang buhay pag-ibig bilang “serious, but not so serious,” sa gitna ng espekulasyon na pumapaligid sa kanyang relasyon sa aktres na si Ruffa Gutierrez.

Natanong sa dating Quezon City mayor ang tungkol sa kanyang romantikong buhay sa isang panayam kay Ogie Diaz, na inilabas sa YouTube channel ng huli nitong Martes.

“I’m in a place na masaya lang,” ani ni Herbert tungkol sa kanyang love life ngunit di direktang tinukoy si Ruffa. “Hindi siya ganoon kaseryoso pero seryoso rin at the same time. Meron kang inspirasyon, meron kang motivation. Ganoon ‘yung sitwasyon ko ngayon.”


Nang matanong kung bakit wala pa itong anumang opisyal na kumpirmasyon, ang sagot ni Herbert, “Hindi kasi pinag-uusapan, e. Parang hinahayaan mo lang siyang mag-evolve.”

Gayunpaman, sina Herbert at Ruffa ay sumusuporta sa isa’t isa sa kanilang mga kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Ibinunyag ng senatorial aspirant na siya ang “nag-udyok” sa beauty queen actress na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at makakuha ng degree sa kolehiyo.

Samantala, si Ruffa ay bokal sa kanyang suporta para sa bid ni Herbert na makasungkit ng puwesto sa Senado.

“So, ang tanong kung meron ba kayong commitment?” Pagpapatuloy ni Herbert, “Wala, e. Talagang we just support each other. Hindi ko nga alam kung support na nagtutulungan kami, but it’s the conversation na kapag nag-uusap kami, parang ‘Oo nga, you have a point.’ Ako naman, ‘Oo nga you have a point.’”

“I cannot describe that kind of relationship, it’s either friends kayo or more than friends kayo,” dagdag niya.

Nang pilitin tungkol sa kanilang status, partikular na kung may label sila, sinabi ni Herbert, “Uso pa ba labels ngayon? I mean, sa ganitong edad?”

“Wala nang label — boyfriend, girlfriend. Hindi na. It’s a mature relationship.”

Sina Ruffa Gutierrez, 47, at Herbert Bautista, 53, ay napabalitang ilang buwan nang magkarelasyon.

Ginampanan ng dalawa ang mag-asawa, mga magulang ng karakter ni Kathryn Bernardo, sa digital series na “The House Arrest of Us” noong Oktubre 2020.

Parehong may mga anak na ang dalawa mula sa kani-kanilang past relationship.



Herbert sa relasyon kay Ruffa: “Hindi siya ganoon kaseryoso pero….”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments