Naglabas ng kaniyang galit ang ina ni Francine Diaz kina Andrea Brillantes at Seth Fedelin
Tila sumabog na sa galot ang ina ni Francine Diaz matapos na magbahagi ito ng mensahe laban kina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.
Sa kabila kasi ng paglalabas ng video kung saan nagpaliwanag na si Andrea sa buong pangyayari ay sigaw ng fans na tila hindi man lang ito humingi ng tawad kay Francine.
“Nananahimik anak ko tigil-tigilan mo na anak ko, manahimik ka na’wag mo ko pilitin maubos pasensya ko sa inyo!!!,” panimula ng ina ni Francine na si Merdick Saenz Diaz.
“Baka magkaalaman tayo hangga’t maaari ayaw ka patulan! Puro pang-unawa at pagpaparaya ang binigay sayo ng anak ko, namin alang-alang sa ikatatahimik ng lahat sa tuwing nababash ka, kayo lagi ninyo dinadawit ang anak ko. Hindi porket hindi kami sumasagot at kumikibo hindi ibig sabihin na OK LANG SA AMIN!! WAG AKO ANDREA BRILLANTES!”

Matapos nito ay sinunod niyang punahin si Seth Fedelin na kung bakit noong naba bash ang anak niyang si Francine ay hindi man lang niya ito ipinagtanggol kagaya ng ginawa ngayon kay Andrea.
“At ikaw Seth sana ganyan din ang ginawa mong pagtatanggol sa anak ko ng nadamay sayo kung talagang tinuturing mong kaibigan anak ko!
“Na walang ginawang masama sa inyong tatlo na pinakisamahan kayo nang maayos at totoo pero ano ginawa n’yo!,” ani ni Mrs. Diaz.
Sunod nito ay binalikan niya si Andrea na aniya ay palagi na lamang binu-bully ni Andrea ang anak niyang si Francine mula pa noon.

“ANDREA BRILLANTES GALIT NA GALIT KA SA ANAK KO!! na wala naman ginawa sayo! Ikaw nag-umpisa ng sasabihin mo sasagutin ko lahat ng sasabihin mo ngayon sa social media SOBRA KA NA!!
“Hindi na ako papayag na lagi mo na lang binubully anak ko kayo! Sinong nanay at magulang na papanoorin mo na lang na lagi inaaway at binubully anak ko! Lahat ng pang-unawa at pag-iwas ginawa namin sayo, sa inyo!! Alam n’yo ‘yan!,” buong post nito.
Ngunit makalipas ang mahigit isang oras ay tila nahimasmasan ito sa kaniyang nai-post saka binura ang naturang post at nagbahagi ng panibagong mensahe.
“Bilang isang magulang nasasaktan din kami sa mga sinasabi n’yo na hindi maganda sa anak ko. Kaya pumutok na ako nang ganito dahil hindi ko kinaya na siguro naman naintindihan n’yo bilang isang ina, maging happy na lang tayo, salamat sa taong nagpakalma sa akin, at mas maraming bagay na dapat ipagpasalamat namin,” aniya.
Matatandaan ngang pinukol ng pamba bash si Francine matapos na tila iyakan ni Andrea ang lumitaw na litrato nila Francine at Seth, at sinabihan ng basher si Francine na mang aagaw.. sa kabilang banda nilinaw naman ni Andrea na Oktubre nakaraang taon ng mag hiwalay sila ni Seth, samantalang Disyembre naman ng mangyari ang pagkikita nina Francine at Seth.

Ina ni Francine pumutok na sa galit dahil kina Andrea at Seth: “Wag ako Andrea Brillantes”
Source: Babaero Balita


0 Comments