May iringan nga ba sa pagitan ng tatlong PBB Kumunity ex housemates na sina ALexa Ilacad, KD Estrada at Eian Rances?
Trending topic sa twitter ang hashtag na Cancel Eian Rances ito ay kaugnay sa isang viral video kung saan dawit sina KD at Alex.
Sa nasabing viral video kasi ay mapapanood ang compiled text ng di-umano’y pakikipag-usap ni Eian Rances sa kaniyang mga tagahanga.
Sa simulang bahagi ay makikitang nagbahagi ng isang tweet si Eian kung saan tila sinusuportahan nito ang tinuweet ng kaniyang tagahanga.
“NEVER NAG HABOL AT NEVER MAGHAHABOL SAYO SI EIAN,” sabi sa naturang tweet na ipinasa ni Eian at saka nag message ng “Sino si BEAH? Boto natin for President”, Beah ang pangalan ng twitter user na nag tweet ng naturang mensahe.

Nag viral nga ang naturang compiled video ng screenshots ng usapan ni Eian sa kaniyang fans at nakarating sa KDLex fandom.
Tila nga napagtanto ng fans na ang pinatutunguhan ng naturang tweet ay si Alexa Ilacad na siyang naging malapit ding kaibigan ni Eian Rances sa loob ng bahay ni Kuya.
Nagbahagi naman ng sunod sunod na tweet si KD bilang pagtatanggol niya sa ka loveteam na si Alexa, “marites ka parin tol”, “lookin left coz you didn’t treat her right hahahaha”.
“I have respect naman, just none for you, and just unfollow me please i know you can see this,” huling tweet pa ni KD na tila pinaparinggan si Eian.

Samantala nag tweet naman ang kaibigan ni Alexa na si Alora ng isang makahulugang tweet na, “Ignoring red flags because you want to see the good in people will cost later,” na guilty umano si Alora samantalang, “I dodge a bullet,” ang naging reaksiyon ni Alexa.
Sa sumunod na tweet ni ALexa ay ibinahagi nito ang pagiging no.1 trending topic ng ‘YOU ARE LOVED ALEXA,” saka sinabayan ng caption na, “too blessed to be stressed. sending you all my love”.
Samantala tila pinag kibit balikat lamang ni Eian ang pangyayari at nag tweet na maging matatag lamang sa gitna ng pangungutya.
“in time, everything will fall into place. so for now, embrace the uncertainties, ngumiti sa kabila ng mga pangungutya, maging matatag and keep reminding yourself that God is in charge of all things at lahat ng bagay ay nangyayari ng may dahilan,” tweet nito.
Eian at KDLex nag iringan sa twitter dahil sa mga sinabi ni Eian?, #CancelEianRances trending!
Source: Babaero Balita


0 Comments