Ano nga ba ang pangalang ibibigay ni Dimples sa kaniyang ikatlong anak?
Inihayag ng kapamilya aktres na si Dimples Romana ang pangalang ibibigay niya para sa kanyang ikatlong anak.
Sa Instagram, sinabi ng aktres na nagpasya silang mag-asawa sa ‘Elio’ na ang ibig sabihin sa French ay “My God is the Lord” habang ang Italian variation nito ay Aelius o Helios, na Greek god of the sun.
“Nung nagiisip kami ng name for Baby E, I had prayed prayers for guidance and discernment in many of the aspects in my life.
“But one thing in my momma heart stuck and that was, even when we have been tested and challenged as a family, somehow everything around us still felt bright and sunny and warm. I guess when we feel we lack love and security the most, it is the love of a Father who overlooks our imperfections that comes shining through,” paliwanag niya.

“And we feel that from all the love showered on us by our family and closest of friends. I’m glad we found friends for keeps,” dagdag niya.
Ang aktres at ang kanyang asawang si Boyet Ahmee ay may dalawang anak: Callie, 18, at Alonzo, 7.
Pitong taon makalipas ang pagkaluwal sa kanyang ika-pangalawang anak, muling nabuntis ang aktres. Inanunsyo ni Dimples ang kanyang pagbubuntis noong Marso.
Sa isang Facebook live, ipinaliwanag ni Dimples na ang sanggol ay ang ikalimang miyembro ng pamilya at ang iba pang miyembro ay may mga pangalan na nagsisimula sa unang apat na letra ng alpabeto.

Ang 7 taong gulang na anak ni Dimple ay pinangalanang Alonzo, ang kanyang asawa ay si Boyet, at ang kanyang 18 taong gulang na anak na babae ay si Callie.
“I was already happy where we’re at. I already felt content in my heart. This is why when this additional blessing arrived, I felt overwhelmed with happiness.
“I was really surprised because we weren’t even trying to have another child. We already have Callie and Alonzo; para sa amin sapat na. Seven years later, another one arrives.
“I was also asking why an additional blessing came to us. I guess blessings come when the Lord sees that you’re ready for it,” pagpunto pa ni Dimples.

“I also guess it’s because my body is in good shape. I feel great, especially after having lost the extra weight. Prior to getting pregnant, I have been doing all these exercises. I can say I’m ready for all the challenges I’m about to undertake with the coming of Baby E.”
Habang naghahanda silang salubungin ang ikatlong sanggol sa kanilang pamilya, umaasa si Dimples na si Elio ang magiging maliwanag na sinag ng araw sa kanilang pamilya.
Sa kasalukuyan, isa siya sa mga bida ng hit series ng ABS-CBN na “Viral Scandal.”
Dimples Romana, ibinulgar na ang ipapangalan sa kanyang third baby
Source: Babaero Balita


0 Comments