Muling nag Krus ang landas nina Julia Barretto at Janella Salvador
Nagkrus ang landas ng dating co-stars na sina Julia Barretto at Janella Salvador noong Huwebes, halos kalahating taon matapos aminin ng huli na wala na silang kumunikasyon.
Parehong mga artista ang bridesmaids ng social media influencer na si Aeriel Garcia, na nagpakasal sa dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Patrick Sugui.
Ang mga larawan ni Garcia kasama ang kanyang mga bridesmaids, na kinabibilangan din ng mga aktres na sina Ria Atayde at Gabbi Garcia, ay ipinost ng Nice Print Photography noong Huwebes ng gabi.
Ang showbiz batchmates, na dating kilala bilang matalik na magkaibigan, ay nagkaroon ng kontrobersyal na pagtatalo noong unang bahagi ng 2020. Una nang kinumpirma ni Janella na di na sila nag-uusap noong Setyembre 2021. “Honestly, hindi na kami nag-uusap ngayon,” aniya noong mga panahong iyon.

Parehong ini-launch sina Janella at Julia bilang bahagi ng Star Magic Circle 2013, kasama si Liza Soberano, kung saan nabuo ang kanilang matalik na pagkakaibigan.
Bumuo din ang tatlo ng grupo, ang “ASAP It Girls,” kasama si Kathryn Bernardo. Nagkasama sina Janella at Julia sa ilang mga proyekto, at minsan naring naging parehong bahagi ng isang endorsement.
“There was an issue before, na hindi ko na sasabihin kung ano — alam niyo na ‘yun,” pag-alala ni Janella ngunit hindi naman na niya pa pinalawak pa.
Noong Enero 2020, naiulat na in-unfollow ni Julia ang social media accounts ni Janella at ng ka-love team na partner ng huli na si Joshua Garcia. Si Joshua ay dating boyfriend at onscreen partner ni Julia sa loob ng tatlong taon, hanggang kalagitnaan ng 2019, nang sila ay naghiwalay at ang aktor ay ipinares kay Janella sa “The Killer Bride.”

“Nag-reach out siya noong nalaman niya na buntis ako. Sinendan niya ako ng balloons, tapos nag-‘thank you’ ako,” ayon kay Janella, noong nakaraang taon.
“Pero hindi na nag-progress ‘yung friendship namin from there,” dagdag niya.
Si Janella, na ngayon ay may anak na sa aktor na si Markus Paterson, ay sinabing bukas siyang makipag-ugnayan muli kay Julia, na kasalukuyang karelasyon ng aktor na si Gerald Anderson.
“Pero open naman ako in the future, if ever we cross paths again. Bakit hindi? But right now, hindi pa kami nag-uusap,” aniya.
Sa ngayon ay wala pang komento sina Janella at Julia sa kanilang muling pagkikita.

Janella Salvador at Julia Barretto, nag-krus ang landas sa kasal ng kaibigang si Aeriel Garcia
Source: Babaero Balita


0 Comments