Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Ria Atayde, naiyak ng magkomento ang inang si Sylvia Sanchez sa kanyang pag-arte

Naging emosyonal si Ria Atayde matapos na purihin siya ng kaniyang ina


Wala na ngang mas hihigit pa sa validation mula sa iyong mga magulang dahil napaluha si Ria Atayde matapos ipagmalaki ng kanyang ina na si Sylvia Sanchez ang kanyang husay sa pag-arte sa paparating na seryeng “Misis Piggy.”

Sa virtual media conference ng iWant series noong Huwebes, pinapurihan ni Sanchez ang kanyang anak na babae, at sinabing kumpiyansa siya bago pa man magsimula ang shooting na kayang gampanan ni Ria ang kanyang papel. “Alam ko kaya ni Ria e. Nakita ko naman ‘yung kapasidad ng anak ko,” panimula niya.

“Hindi ko naman sasabihin na magaling siya kung ‘di siya magaling kasi ako ‘yung critic niya e. From Day 1 pagpasok niya sa showbiz, nakita ko naman,” ani ni Sylvia.


“Kampante ako na kaya ni Ria kahit first scene iyakan o mabigat. Basta inisip ko na okay anak kita, si Ria, pero dito ikaw si Lani.”

Si Ria ang gumaganap bilang Lani, ang panganay na anak na si Marivic (Sylvia), sa family drama na “Misis Piggy” na magsi-stream simula April 25, 8 p.m.

Ito ang unang pagkakataon na magtatrabaho ang dalawa bilang lead stars ng isang serye. Dati nang magkatrabaho sina Sanchez at Atayde sa daytime series na “Ningning” ngunit hindi sila gaanong nagkaroon ng interaksyon.

Nang tanungin tungkol sa kanyang reaksyon sa mga komento ng kanyang ina, napaluha si Atayde nang makita niya mismo kung gaano kahusay ang kanyang ina bilang isang artista.

“As kids, you only want to make your parents proud. My mom naman has always been vocal about stuff like that… Pagka-eksena mo kasi ‘yung co-actor mo, ‘yun ‘yung pinaka-rawest form of your emotions,” wika ni Ria.

Personally, even with my mom, gets ko na bakit sinasabi ng tao, ‘ang galing ng nanay mo.’ I’m so blessed that I got to experience that before she goes on whatever hiatus she wants to go on. It’s nice to hear that she is proud of me and my acting,” dagdag niya.



Ria Atayde, naiyak ng magkomento ang inang si Sylvia Sanchez sa kanyang pag-arte
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments