Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Kaye Abad, may proyektong hindi kailanman tatanggapin; May plano pa bang bumalik sa pag-arte?

Magbabalik pa ba sa pag arte si Kaye Abad?


Hindi umano sinasara ng aktres na si Kaye Abad ang posibilidad na bumalik siya sa pag-arte sa hinaharap dahil gusto niya paring gawin ito.

Bagama’t masaya na siya ngayon bilang asawa ni Paul Jake Castillo at ina sa kanilang dalawang anak, inamin ni Kaye Abad na nami-miss niya pa rin ang pag-arte sa harap ng camera.

Sa vlog ni Francine Diaz, nilinaw ni Kaye na hindi niya iniwan ang showbiz ngunit nagbago na ang kanyang mga prayoridad.


“Priority ko is mag-baby muna since I am not getting any younger. Papalakihin ko muna ‘yung mga bata and then for sure I will go back. Nami-miss ko na rin talaga ‘yung acting. But if this time, maybe not yet because bata pa ‘yung youngest ko. He’s turning seven months pa lang. Medyo baby pa. Maybe when he’s around one,” aniya.

Nagdesisyon ang aktres na magpahinga muna sa showbiz para bumuo ng pamilya kasama si Castillo nang ikasal sila noong 2016. Isinilang niya ang kanilang unang anak noong 2017, at ang kanilang pangalawang anak noong nakaraang taon.

Ang kanyang huling acting project ay ang “Nang Ngumiti ang Langit” noong 2018. Bago iyon, gumawa siya ng isang episode ng “Maalaala Mo Kaya” noong 2015 kasama ang kanyang dating onscreen partner na si John Lloyd Cruz.

Bagama’t gustong-gusto niyang bumalik sa pagiging aktres, ayon kay Kaye ay hindi siya sigurado kung makakagawa pa siya ng isang serye nang full time.

“Ibig sabihin, kailangan kong manatili sa Maynila ng tatlo hanggang anim na buwan. Siguro guesting lang like sa ginawa ko last time sa ‘Nang Ngumiti ang Langit.’ Ten days lang ako,” paliwanag niya.

At kahit sobrang tagal na ni Kaye sa industriya, inamin niyang may papel pa rin siyang pinapangarap na gawin.

“Lagi kong sinasabi na gusto kong maging role maging pipi. That’s very challenging because kailangan mong ma-express ang gusto niyang sabihin without saying the lines. Mata lang and facial expression.”

Bagaman, isang bagay ang tiyak. Ayon kay Abad, hinding-hindi siya tatanggap ng mga horror projects.



Kaye Abad, may proyektong hindi kailanman tatanggapin; May plano pa bang bumalik sa pag-arte?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments