Naglabas ng kaniyang saloobin ang showbiz columnist na si Lolit Solis patungkol kina Ana Jalandoni at Kit Thompson
Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi ng kaniyang saloobin ang batikang showbiz columnist na si Lolit Solis sa isyu nina Kit Thompson at Ana Jalandoni.
Ilang linggo na nga ring laman ng balita ang patungkol sa pambubugbog ni Kit Thompson sa nobya niyang si Ana Jalandoni.
Sa latest development pa nga ay buo na umano ang loob ni Ana Jalandoni na sampahan ng kaso ang nobyong si Kit sa mga nagawa nito sa kaniya.
Sa isinalaysay pang kwento ni Ana Jalandoni sa batikang host na si Tito Boy Abunda ay isinalaysay nito ang madalas na pambubugbog sa kaniya ni Kit Thompson magmula ng maging mag dyowa sila, na nauuwi rin naman sa pagpapatawad niya at pagkaka ayos din kalaunan.

At hindi nga nagpahuli ang batikang showbiz columnisy na si Lolit Solis sa naturang usapan at ibinahagi niyang naloloka siya sa kwentong drama ng love story nina Ana at Kit.
“Kaloka mga drama ni Ana Jalandoni, Salve. Iyon script niya na naghanap siya ng signal at nakatulog sa ibang floor na malayo sa room kung saan sila naka stay ni Kit Thompson parang drama Salve ha,” panimula ni Solis.
Ani oa nito na talaga namang trouble ang relasyon nila Ana at Kit na palaging may awayanng pisikalan at verbal na hindi umano healty sa relasyon.
“Pero talagang iyon love affair nila ni Kit isang relasyon na puno ng trouble ha. Laging may away, physical, verbal abuse, parang hindi healthy pero lagi naman nagkakabalikan silang dalawa,” dagdag nito.

Dapat daw ay ayusin ng dalawa ang tunay na nadarama nila sa isa’t-isa at kinuwstiyon kung tunay nga bang may pagmamahal para sa isa’t-isa ang dalawa gayung may madalas na pag aaway na nagaganap.
“Dapat siguro ayusin nila at magnilay kung ano ba talaga ang nadarama nila para sa isa’t isa. Talaga bang may pagmamahal dahil bakit violent ang nangyayari?
“Gusto ba nila na laging may nasasaktan physically? Kaloka talaga ang relasyon nilang dalawa, dapat ayusin mabuti. Hindi maganda,” ani Lolit.
Sa kasalukuyan nga ay hinihintay pa ang susunod na mga hakbang lalo pa’t wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang kampo ni Kit Thompson hingil sa mga isinalaysay ni Ana Jalandoni.
Lolit Solis naloloka umano sa love story nina Kit at Ana; “Talaga bang may pagmamahal?”
Source: Babaero Balita


0 Comments