Ibinahagi ni Carlo Aquino ang pag mu move on niya sa hiwalayan nila ni Trina Candaza
– Inamin ni Carlo Aquino na nandiyan pa rin ang pagmamahal niya para kay Trina Candaza dahil ina rin naman daw ito ng kanyang anak
– Sunod-sunod na proyekto rin ang pinagbibidahan nito base sa kanyang kwento sa mediacon niya para sa “How to Move On in 30 Days”
– Nang kinumusta siya bilang ama ni Enola, sinabi niyang masarap umanong makita ang kanyang ‘s*milya’ Tila hindi alintana ng Kapamilya actor na si Carlo Aquino ang COVID pandemic dahil dagsa pa rin ang kanyang mga TV at movie projects.
Ito ang kanyang isa sa sinagot nang makausap siya ng kolumnistang Reggee Bonoan sa mediacon ng kanyang bagong YouTube series na ‘How To Move On in 30 Days”. Naganap ang face-to-face mediacon nila nitong Miyerkules sa Dolphy Theater bandang hapon.

Ikinuwento nitong nagpapasalamat siya sa mga blessings na natatanggap dahil ilang movie projects din ang pinagbidahan niya noong nakaraang taon.
“Last year gumawa ako tatlong pelikula, ‘yung isa si Eisel Serrano taga-Star Magic din siya na ‘Love You Long Time’. Si Eisel is 24 (years old), tapos kay Lovi (Poe) ‘Seasons’ then kay Juju, kay Julia Barretto, ‘Expensive Candy’ for Vivamax.
“Tapos nu’ng Feb (2022), ginawa namin ito (How to Move On in 30 Days), kaya nagpapasalamat ako dahil sobrang blessings,” ani Carlo.
Nakangisi naman ang aktor sa pagpapakilala sa kanya ng host ng mediacon na si Eric John Salut bilang “Best Child Actor”. Napuri nga rin siya dahil sa kabila ng pagiging 35 years old, bagay na bagay pa rin itong maging leading man ng mga leading ladies na may edad 20.

Sa busy nga ni Carlo ay nakumusta siya bilang ama ng anak nila ni Trina Candaza na si Enola Mithi. Sagot ng aktor, “Masarap na makita ‘yung s*milya mo, hahaha,” sabay tawa ng mga tao sa mediacon.
“Ha, ha, sorry, ha, ha. Hindi ang sarap kasi meron pa palang ibang pagmamahal na hindi ko pa alam. Ang sarap lang na ‘yung pinagta-trabahuan mo hindi na lang para sa ‘yo, para sa anak mo na.
“At saka ang sarap talagang amuyin minsan natutulog sa akin tapos kahit awkward ‘yung posisyon mo hindi ka gagalaw kahit two o tatlong oras na nakahiga ngawit na ngawit ka na hindi mo na maramdaman ‘yung kamay mo basta hindi lang magising ‘yung anak mo,” dagdag pa ng aktor.
Ilang chikahan pa ang lumipas ay naitanong sa kanya kung ilang days siya mag-move on dahil alam naman na ng lahat na hindi na sila magkasama ni Trina sa iisang bubong.

“Hindi ko alam, e, dapat ba may timeline? Wala yatang timeline pagka ganu’n, eh. Inaano ko lang siguro. Inaalagaan ko ‘yung present para ‘yung past hindi na mag jump sa future? Makes sense ba ‘yun?” aniya.
Sinabi rin nito ang kanyang komento kung wala nang pag-asa na maging present at future ang kanyang past.
“Hindi ko alam, eh. Ayokong magsalita ng tapos. Kung ano ‘yung ibigay ng universe siyempre tatanggapin mo ‘yun, wala ka namang magagawa, eh. ‘yun ‘yung nakasulat sa palad mo, eh.”
Ngunit ngayon naman ay ‘okay’ na sila ni Trina, “Oo nag-uusap kami civil naman kami and ‘yun naman ‘yung importante kasi siyempre para kay Mithi.”
Sa ngayon daw ay wala naman siyang ka-date at nasa damdamin niya pa rin ang pagmamahal niya kay Trina. “Always, always. Palagi naman ‘yun. Nanay siya ng anak ko,” sagot nito.
Ang “How To Move On in 30 Days” nina Carlo Aquino at Maris Racal ang kauna-unahang YouTube exclusive series sa Pilipinas in partnership with ABS-CBN.EnterWrite to
Carlo Aquino, masarap daw makita ang kanyang ‘s*milya’; Mahal pa rin daw si Trina
Source: Babaero Balita


0 Comments