Naibahagi ni Albie Casino ang patungkol sa naging relasyon niya na isang beauty queen
– Wala pang planong makipagrelasyon sa iba ang aktor na si Albie kaya naman wala pa itong naipapakilala sa kanyang ina
– Nabanggit din ni Albie na nagkaroon na siya ng girlfriend noon na isang beauty queen ngunit hindi na ito nagbigay pa ng ilang detalye – Naitanong naman sa kanya kung ilang buwan siyang nakapag-move on sa hiwalayan nila ng dating girlfriend.
Sa nagdaang mediacon ng ABS-CBN at YouTube para kanilang original series na “How To Move On in 30 Days”, ay natanong ang Kapamilya actor na si Albie Casino kung paano siya nakapag-move on sa kanyang dating girlfriend.
Sumagot naman ito ngunit pabiro pang sinabi na sa tingin niya ay hindi pa siya nakaka-move on sa huli niyang relationship noong 2019. “Last relationship ko was 2019 pa, hindi ko nga alam kung totally naka-move on na ako kasi hindi pa ako nagka-girlfriend ulit, eh,” aniya.

Ayaw naman sabihin kung ano ang pangalan ng kanyang naging kasintahan, ngunit nagbigay ito ng clue. “she’s a beauty queen, she’s busy i the Miss Intercon… I don’t know.”
Pinilit naman siya na kahit first name lang ang sabihin niya. Ani Albie, “ayoko na po s’ya bigyan ng clout, e. Hahaha! imposible sa akin ang 30 days (to move on).”
Nirespeto naman ng press ang kanyang naging desisyon na hindi na sabihin ang pangalan ng kanyang ex-girlfriend upang hindi na magkaroon ng isyu.
Sa kabila nito, naitanong rin sa kanya kung ilang buwan siya nakapag-move on sa break up nila ni Andi Eigenmann. Dagdag pa rito ang tanong kung ano ang maipapayo niya sa mga may karelasyong may pinagdadaanan rin tulad nila dati.

“Hindi mo talaga masasabi na parang break-up lang yun. It’s more of iskandalo, di lang break-up lang yun. So, ibang-iba ‘yung process no’n kung paano ka mag-move on sa relationship
“’Cause I figure out, how am I gonna move on with my life after that? I can’t compare that to this series, if that’s the question,” sagot nito.
Bata pa rin si Albie noon nang mapag-usapan nationwide ang gusot nila ni Andi noon na may sakitan pa umano. “Nung time na ‘yun, first relationship ko ‘yun, so wala pa talaga akong alam.
“I really didn’t know what’s going on. Nung time na ‘yun, wala akong time para na masaktan ang puso ko because there’s so many things going on with the news everything.
“It has taken away my attention from the heartache kumbaga, kaya hindi ko medyo naramdaman talaga yung sakit sa puso. Paano, ginulpi na ako, puso ko pa rin ang masakit? Siyempre, hindi ‘no, nagulpi na ako,” natatawang sambit ni Albie sabay lingon kay Maris.
Napansin rin na parang naluluha ito. “Uy, iiyak ka na?” saad ng host na si Eric John Salut. “Hindi naman po, that’s a totally different situation sa regular break-up ng kayo ng ex mo or something. Hindi ko talaga siya nako-compare even to my other relationships,” sagot nito.
Albie, ibinuking na beauty queen ang kanyang naging girlfriend; Nadulas: “Miss Intercon…”
Source: Babaero Balita


0 Comments