Hindi naiwasang maging emosyonal ng The Voice Kids Philippines season 1 champion na si Lyca Gairanod nang makita ang kanyang ama sa ospital. Sa is
Hindi naiwasang maging emosyonal ng The Voice Kids Philippines season 1 champion na si Lyca Gairanod nang makita ang kanyang ama sa ospital.
Sa isang video na ipinost sa kanyang Facebook page, makikita ang ama ni Lyca na nakahiga sa hospital bed. Makikitang umiiyak si Lyca habang pinagmamasdan ang kanyang ama sa salamin na bintana ng ospital. “Love you papa. Pagaling ka,” isinulat niya sa caption ng unang video na kanyang ibinahagi.

Sa isa pang video na ipinost sa kanyang page, sinabi ni Lyca na hindi siya sanay na nakikitang may sakit ang kanyang ama.
“Hindi kami sanay na nakikita namin si papa na ganyan siya… He’s very strong din parang ano siya hindi kami sanay na ganyan siya. Kasi [siya ‘yung] si gulo sa amin. ‘Yung paggising sa umaga wala nang nanggulo sa’yo. Siya ‘yun lagi. Ganun si papa, ‘yung ugali ko, ugali ko rin,” aniya.
“Gising ka na diyan magkakantahan pa tayo,” maririnig din na banggit ni Lyca sa video.
“Pagaling kana papa miss kana namin,” dagdag niya.
Ipinaabot ng mga tagahanga ng singer ang kanilang get-well-soon wishes para sa kanyang ama.
“Praying for your healing. In the mighty name of Jesus. Amen. God bless,” mensahe ng isang netizen.
“Praying for your Papa’s fast recovery,” ayon naman sa isa pang fan.
Sinimulan ni Lyca ang kanyang karera bilang singer nang manalo siya sa unang season ng The Voice Kids Philippines.
Pagkatapos niyang manalo sa kompetisyon, inilabas niya ang kanyang unang studio album na Puede Nang Mangarap noong 2015.
Naging bahagi din siya ng iba’t ibang programa sa telebisyon sa ABS-CBN tulad ng Your Face Sounds Familiar Kids (Season 1) at ASAP.
Nanalo rin si Lyca bilang Best New Female TV Personality sa 28th PMPC Star Awards for TV noong 2014 para sa kanyang Maalala Mo Kaya episode na pinamagatang Red Envelope.
Nakamit din niya ang Best Performance by A Child award sa 28th Awit Awards para sa kanyang “Narito Ako” performance.
Lyca Gairanod, naging emosyonal nang makita ang ama sa ospital
Source: Babaero Balita


0 Comments