Sinabi ni Kim Chiu na labis siyang nagulat sa birthday party na inorganisa ng kanyang pamilya at mga kaibigan para sa kanya kamakailan. “Nagulat a
Sinabi ni Kim Chiu na labis siyang nagulat sa birthday party na inorganisa ng kanyang pamilya at mga kaibigan para sa kanya kamakailan.
“Nagulat ako and hindi ako prepared with my look, outfit, and lahat. Lahat ng mga boss ng ABS(CBN), hindi naman lahat, people close to my heart na talagang hindi ako inexpect na darating sila for my birthday surprise, nandito sila lahat,” litanya ni Kim sa isang interview ng Star Magic Inside News.
Nang matanong naman ang brthday girl kung na-sense ba niya na may hinahandang birthday suprise para sakanya, inamin nitong hindi niya ito ine expect.
Ani Kim na: “Hindi kasi nire-respeto naman ng mga kapatid ko kung ano ang gusto ko so sabi ko gusto ko ngayon tayo lang kasi bagong dating ang kapatid ko from Canada tapos ‘yung kuya ko from Cebu na nagwo-work bumiyahe dito ng ilang hours tapos babalik din sa Cebu so parang sabi ko tayo lang tapos nakita ko ang dami pa lang tao, na-shock ako talaga. So mga Showtime family, ASAP family, lahat nandidito, Star Magic, ang dami nandidito so parang nagulat ako, hindi ko inexpect, so masaya ako,” sagot ni Kim.

Ayon kay Kim, isa sa mga birthday wish niya ay ang makabalik kaagad sa pag-arte.
“Na-miss kong umarte so hopefully soon this year or next year bumalik ako sa pag arte kasi ‘yun talaga first love ko. Of course I am thankful na nabigyan ako ng opportunity na mag-host sa Showtime, and then masaya talaga ako don, nakahanap ako ng bagong pamilya kaya sobrang thankful ako na kahit ano mang nangyari sa ABS(CBN), nabibigyan pa rin ako ng projects na pinagkakatiwala nila sa akin,” aniya.
Isa pang birthday wish ng aktres ay maging mas matatag siyang tao.
“Sana mas maging matibay pa ako more kasi ang daming nangyayari eh, ang daming bumabatong kung anu-ano so kung ano man ‘yung mga bato na ‘yun, I think mas matibay na ako and wish ko mas matibay pa kung ano mang mangyari para hindi ako basta na lang matumba, tatayo at tatayo pa rin,” wika niya.

Wish din niya na mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN sa lalong madaling panahon.
“Sana siyempre bumalik na ‘yung franchise natin and hopefully magkaroon na ng trabaho ‘yung maraming tao na nawalan ng trabaho sa ABS-CBN,” dagdag niya.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan, nagsagawa rin si Kim ng community outreach kamakailan.
Namigay si Kim ng halos 500 grocery packs para sa isang barangay sa Antipolo, Rizal at Village of Hope. Nagbigay din siya ng mga food pack, oximeter, at stretcher sa National Center for Mental Health.
Nagpaabot ng pasasalamat ang aktres sa social media sa lahat ng naging bahagi ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
“Indeed one of the most memorable birthdays I ever had. Punong puno ‘yung puso ko simula umaga hanggang gabi, surrounded by people who are dear to me. My family is complete after 8 long years, did a birthday charity in 3 different places, seeing those happy smiles made my heart melt. Iba ‘yung experience sobra. Got messages on my socmed accts and personal messages,(di pa ako nakaka reply but later I will.) May pa birthday greeting sa MOA globe ang Kim Chiu Global family. Grabe Salamat. Got a personal VP Leni greetings gulat ako na naiyak. Got cakes, flowers, and food pag uwi ko sa bahay and of course to end the day nagulat ako sa pa Surprise!!!!!!wala akong ka idea, pero grabe!!!”
“SALAMAT SA LAHAT. SALAMAT SOBRA SA ARAW na ito NA DIKO MALILIMUTAN. It was indeed a HAPPY BIRTHDAY TO ME. #forevergrateful,” aniya sa kanyang post.
Kim Chiu, gustong balikan ang first love bilang isa sa kanyang birthday wish
Source: Babaero Balita


0 Comments