Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Xian Gaza tutulungan ang matandang nag viral dahil sa pananakit sa kaniya ng isang driver

Viral ang pang hahampas ng isang tinawag na damulag sa isang matanda, na siya ngayong tutulungan umano ni Xian Gaza


Viral na ngayong araw ang video kung saan mapapanood ang isang kumosiyon sa gitna ng kahabaan ng isang kalsada.

Sa nasabing video nga ay mapapanood ang tila pagsasagutan ng tatlong kalalakihan kabilang na ang isang matandang naka- helmet.

Hindi man marinig ang pinag-uusapan ng mga ito ay mahihinuha na nagsisigawan at kapwa galit ang mga ito sa isa’t-isa.


Agad na lumapit ang isang lalaki na may dalang baseball bat at tinakot ang matanda na hahampasin nito, makalipas pa ang ilang sandali ay tinuluyan na nga nitong hampasin sa katawan ang matanda, at isang beses pa sa ulo na tumama sa helmet nito dahilan upang mapabagsak ang matanda sa kalsada.

Ayon sa salyasay ng matanda na kinilalang si Julian Adlaw Jr. ay nag ugat ang kanilang awayan dahil sa pagpapa busina umano niya sa sasakyan.

“Naka motor ako tapos nag busina kay busina lang ako… eh nagagalit siya.. eh huminto ako, tinanong ko siya (driver) ano bang problema sa’yo, eh traffic.

“Sabi niya eh busina ka ng busina eh.. nanghingi ako ng pasensiya, bumaba siya nagdala siya ng palo (baseball bat) at pinalo po ako dalawang beses pinalo,” salaysay ni tatay Adlaw.

Kinuha umano ng matanda ang plate number ng sasakyan na siyang inagaw naman umano sa kaniya ng kabilang kampo at mabilis na nagpaandar ng sasakyan, na siyang dahilan upang agad niyang sundan ang mga ito.

Nag pang abot umano sila kung saan nakita pa ng kapulisan ang paghahabulan nila, sa huli ay hindi umano nag ka aregluhan ang dalawa.

Pag-amin pa ng matanda ay ayaw na umano pa sana niyang magsampa pa ng kaso at ayaw na niyang ipaalam sa mga anak niya ang pangyayari, ngunit dahil sa viral video nila ay nalaman ng mga anak niya ang pangyayari.

Samantala sa kaniyang facebook account ibinahagi ni Xian Gaza ang larawan ng matanda at saka sinabing nakahanda itong tulungan ang matanda.

“Ako na ang bahala sa abugado mo, Tatay Julian. Ipakulong natin yan. Ipapaasikaso kita sa mga tao ko,” ani Xian na ibinahagi pa ang litrato ni tatay Adlaw.

Tinaguruan naman ng netizen ang isyu na ‘Damulag baseball bat’ dahil sa laki ng katawan ng nanghampas sa matanda (mapapanood ang mga video kapag sinearch ang naturang tag sa facebook).



Xian Gaza tutulungan ang matandang nag viral dahil sa pananakit sa kaniya ng isang driver
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments