Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Mas mature na characters, tampok sa ‘He’s Into Her’ season 2

Mas kapana panabik ang He’s Into Her Season 2


Muling magbabalik ang Benison Bears para sa season two ng award-winning na serye na He’s Into Her matapos ang matagumpay na pagpapalabas ng serye.

Dumagdag pa sa tindi ng excitement ng fans ang pagpapakita ng trailer nito sa naganap na international media conference kasama ang cast at crew na kinabibilangan ng love team nina Belle Mariano at Donny Pangilinan.

“Ibang side ni Deib ang makikita natin, mas mature side. And taken na siya ngayon so paano siya in a relationship, and just the stuff people go through during a relationship, with family, friends, and of course, that person that he loves,” ayon kay Donny ng matanong kung ano ang dapat abangan ng mga manonood sa kanyang character para sa ikalawang season ng serye.


Nabanggit din ni Belle na ang kanilang mga karakter ay magiging ‘mas mature’ ngunit taglay parin ng bagong season ang parehong ‘values at beliefs’ mula sa nauna.

Ang coming-of-age romantic comedy ay umiikot sa kwento ng provincial girl na si Maxie, na ginagampanan ni Belle Mariano, na pumasok sa isang pang-mayamang high school kung saan siya binu-bully ni Deib.

Nagsimula ang dalawang karakter bilang magkaaway na nauwi sa pag-iibigan. Inamin ng direktor na si Chad Vidanes at head writer na si Vanessa Valdez na nagulat sila sa tagumpay ng unang season, ngunit inaabangan rin nila ang pag-evolve pa ng kuwento.

“Until now to be honest, sobrang surreal pa rin yung success of season one. We did that just to tell the story of Miss Maxine, to showcase the talents of our cast, and to make all you guys happy and here in season two.

“That’s the same thing we did. We didn’t focus on exceeding season one but we focus on the story and how we want to teach you the values of life as you grow up,” ayon sa direktor.

“Max and Deib fell in love. So what happens to two people who fall in love and decide to be in a relationship? Because as the trailer said, falling in love is easy; staying in love is hard,” ani naman ng head writer na si Vanessa Valdez.

Ang ikalawang season ay magdadala rin ng batch ng mga bagong mukha kabilang si Mikha Lim ng P-Pop girl group na BINI. Ang mga Kapamilya sa labas ng Pilipinas ang unang makakapanood ng bagong serye kapag nag-premiere ito sa iWant sa ika-20 ng Abril, na may mga bagong episode na mag-istream tuwing Miyerkules.

Para sa Pinoy fans ay mapapanood naman ito simula sa ika-24 ng Abril, na may mga bagong episode na ipapalabas tuwing Linggo.



Mas mature na characters, tampok sa ‘He’s Into Her’ season 2
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments