Ibinahagi ni Billy Crawford ang kaniyang buong pusong pagsuporta para kay Isko Moreno ngayong darating na halalan
Inendorso ng TV host na si Billy Crawford ang presidential bid ng kanyang kapwa “That’s Entertainment” alumnus na si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.
Idineklara ni Billy ang kanyang suporta kay Moreno sa pamamagitan ng isang Instagram video na inilabas noong Martes.
Ayon sa dating “It’s Showtime” mainstay, ang nangyaring pandemya ay isang salik sa pagpili ng isang lider na magpapatuloy sa pagbangon ng bansa mula sa pangmatagalang epekto nito.
“Alam niyo po, ilang buwan na lang eleksyon na. And I realized how crucial this election is because unti-unti na tayong bumabangon sa pandemic. At hindi magiging madali ang trabaho ng susunod na mga officials na iboboto natin. They’ll decide how we will rise above this challenge,” wika niya.

Pagkatapos ay inilarawan ni Billy ang mga ideal na katangian ng isang punong ehekutibo, at nagsasabing si Isko ay umaangkop sa mga pamantayang iyon.
“Marami ang nangangarap, marami ang nangangako. Kaya I wanted to make my own stand on this coming election. Gusto ko ng pagbabago hindi lang sa salita, pati na rin sa gawa.
“Kailangan natin ng simpleng gobyerno para sa ikauunlad ng bawat Pilipino. Kailangan natin ay lider na kayang humarap sa anumang pagsubok;
“Lider na kayang punan ang pangangailangan ng mga mahihirap; lider na sa tingin ko nagpapahalaga sa edukasyon; at lider na kayang ipaglaban ang ating bayan.

“Kaya ako, sa darating na Mayo masasabi ko, Isko ako,” buong pagpapaliwanag ni Billy kung bakit si Isko ang para sa kaniya’y karapat-dapat na maging pangulo.
Matagal nang itinuring nina Billy at Isko ang isa’t isa na “magkakapatid,” dahil narin sa kanilang pinagsamahan bilang “That’s Entertainment” talents, kung saan naging mentor nila pareho ang yumaong showbiz icon na si German Moreno.
Ang iba pang celebrities na direktang nagpahayag ng suporta sa bid ni Domagoso ay kinabibilangan ng dating sexy performer na si Mocha Uson, na tumatakbo bilang Mocha (Mothers for Change) Party-list nominee; at singer-songwriter na si Quest, na bumuo ng isa sa kanyang campaign jingle.
Samantala kassalukuyan naman ngayong napapanood si Billy Crawford bilang main host ng noontime show ng TV5 na LOL: Lunch Out Loud
Billy Crawford, buong pusong inihayag ang pagsuporta niya sa kandidato para sa pagka-pangulo
Source: Babaero Balita


0 Comments