Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Ang buong kwento ayon kay Ana Jalandoni; Kit Thompson binantaang papatayin daw siya!

Isinalaysay ni Ana Jalandoni ang buong pangyayari ng gabing bugbugin siya ni Kit Thompson


Walang tigil ang pagpatak ng luha ng aktres na si Ana Jalandoni dahil sa sinapit nito habang humaharap sa media upang ikwento nang buo ang tunay na nangyari sa pagitan nila ni Kit Thompson.

Wala ring preno ang mga isinasalay nitong tunay na ugali ni Kit sa kung paano siya saktan at pagbantaan ng aktor. Tulad nga ng sinabi ni Ana, wala naman talagang babae ang gugustuhing maranasan kung ano ang sinapit niya sa kamay ni Kit Thompson.

“Hindi ko inaasahan ‘yung ginawa sa akin ng minahal ko. Wala pong babae na gustong masaktan tulad ng dinanas ko.” pagsusumbong ni Ana sa publiko sa kanyang presscon.


“Hindi ko pa kaya ikuwento, nasaktan po ako…hindi ko po kaya, pero sasabihin ko na lang po ‘yung nararamdaman ko. Masakit po ‘yung pinagdaanan ko dahil hindi ko po ‘yun nakita, hindi ko inaasahan ‘yung ginawa sa akin ng minahal ko. Wala pong babae na gustong masaktan tulad ng dinanas ko

“Marami po akong pinagdaanan sa buhay, lahat po ‘yun nalagpasan ko Pero ‘yung nangyari sa kanya, hindi ko po alam kung kakayanin ko. Hirap po ‘yung isip ko, hirap po ‘yung puso ko dahil nasaktan po ako ng lubusan,” pagsisimula ni Ana na ikuwento ang kanyang naramdaman.

Binalikan rin niya ang nangyari noong gabing iyon at ibinahaging napag-usapan nila ang pagpapakasal bago siya bugbugin ng aktor.

“Gustung-gusto niya raw po akong pakasalan. Sabi niya, mahal na mahal niya ako, ganyan. Tapos ganu’n din naman po ako sa kanya.

“Tapos po, may pina-delete akong mga pictures namin sa social media, naging okay naman po ang usapan namin. Tapos ang sunod na tanong niya sa akin tungkol sa ex ko.

“Sabi niya, ‘Iniwan mo ‘ yung ex mo, di ba? Hiniwalayan mo siya.’ Sabi ko, ‘Oo, ang tagal na noon, 2018 pa ‘yan. Alam mo kung ano ang nangyari, kung bakit.’

Tila may pagbabanta pa nga si Kit na papatayin siya nito na nag-ugat dahil sa selos sa hinihinalang may third party sa relasyon nila ni Ana.

“Sabi niya, ‘Ako pag iniwan mo, patayin kita. Akin ka lang. Hindi ka puwedeng mapunta sa iba, akin ka lang.” Na sinagot daw niya ng, “Mahal kita, hindi kita iiwan.”

Dagdag pa ni Ana, pagkatapos daw noon ay lumabas muna siya ng kuwarto upang makasagap ng signal. Kakausapin din umano niya ang kanyang kaibigan ngunit nakatulog na sa labas dahil nakainom sila ni Thompson.

Binuhat daw siya ni Kit at biglang nagalit, “Akala niya raw iniwan ko siya. Paghiga niya sa akin sa bed, sinampal niya ako, na-shock ako.’

“Ang perception ko lang, akala niya iiwan ko siya dahil ginawa ko sa ex ko,” ani Ana na sumusumpang wala siyang ibang lalaki.

“Wala po akong ibang karelasyon, wala pong third party. Mayroon po siyang isang pinagseselosan which is yung ex ko po,” paglilinaw ng aktres. Nanindigan naman si Ana at kinumpirma ng abogado nito na ang isasampang kaso kay Kit ay ang paglabag sa “Section 5 (a) of the Republic Act 9262 or the Anti-Violence against Women and Children Act”.

“Siyempre, hindi ko deserve ‘yung nangyari sa akin. Hindi ko pa po iniisip kung babalikan ko. Ang iniisip ko ay ‘yung karapatan ko bilang babae na hindi katanggap-tangap ‘yung nangyari sa akin. Pero ‘yung love po, nandu’n pa rin siya.” aniya.



Ang buong kwento ayon kay Ana Jalandoni; Kit Thompson binantaang papatayin daw siya!
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments