Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Pia, spotted na suot ang ‘di-umano’y engagement ring: “nag-propose na nu’ng…”

Engage na nga ba si Pia Wurtzbach sa kasintahan nitong si Jeremy Jauncey?


Naglalabasan nang muli ang mga bali-balitang engaged na ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach sa boyfriend nitong entrepreneur hunk na si Jeremy Jauncey.

Ito ay matapos mapansin ng mga netizens ang ‘bonggang’ diamond ring na suot ni Pia na unang nakita sa vlog ng kanyang ina na si Cheryl Alonzo Tyndall.

Unang pumasok sa isip ng mga netizens na ang nakitang singsing ng beauty queen sa nasabing vlog ay ang engagement ring nito na nakasuot sa kanyang kaliwang ring finger.


Sa nasabing vlog ngang ito ni Mrs. Cheryl, doon makikita si Pia na kumukuha ng pagkain sa buffet area kasama ang kanyang agaw-pansin na singsing. Ilang minuto rin ang lumipas ngunit hindi na makikita pa ang hinihinalang engagement ring sa kanyang kamay.

Ayon sa mga viewers, baka raw itinago ito ni Pia at inilagay niya umano sa kanyang dibdib sa pamamagitan ng pagsuot ng isang kuwintas.

Agaw atensiyon din kasi ang pagkapa niya sa bahaging itaas ng kanyang dibdib na tila hinahanap ang kanyang singsing.

Naganap naman ang vlog sa England kung saan nagsama-sama sina Mrs. Cheryl, Pia, at Jeremy upang magbonding habang kumakain ng breakfast sa Marriott Hotel sa London.

Samantala, naalala naman ng ilan ang Instagram post ni Pia noong April 7 na makikitang nagki-kiss sila ni Jeremy habang nasa tabi ng puno.

Kapansin-pasin rin ang caption na, “He said yes…to pizza tonight. #AkoAngNagwagi.”

Narito naman ang nakakatuwang komento ng netizens sa ‘di pa kumpirmadong balita hinggil sa kanilang engagement:

– “Alam na! Feel ko, nag-propose na nu’ng mag-post sa story si Pia ng ‘Happiest Day Ever’, tapos nag-post na naman si Jeremy ng ‘celebration something.’ Anyway, if it is, I’m sooo happy for our Queen.”

– “’Di naman siguro ikapagtataka ng tao na ma-engaged na sila. Let them live their life! ‘Wag na lang pansinin kasi sila rin ang mag-a-announce niyan.”

– “Baka may existing contract pa. ‘Di pa puwedeng ma-engaged.” – “Queen P is hiding her left hand/fingers!!!! (Engagement ring emoji) na ba???EnterWrite to



Pia, spotted na suot ang ‘di-umano’y engagement ring: “nag-propose na nu’ng…”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments