Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Ogie nag react sa nasabi ni Andrea patungkol sa nais nitong kasuhan ang isang showbiz vlogger

May sagot si Ogie Diaz sa naging pahayag ni Andrea patungkol sa kagustuhan nitong kasuhan ang mga naglabas ng balita patungkol sa panunugod niya


Kamakailan lamang nga ay naglabas ng kaniyang buong statement ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes hingil sa kontrobersiyang kinasasangkutan niya.

Sa nasabing video nga ay ipinaliwanag ni Andrea ang patungkol sa isyu ng di-umano’y panunugod niya sa dressing room kay Francine Diaz.

Dito ay pinabulaanan niyang nangyari ang bagay na iyon at sinabing inisip umano niyang kasuhan ang mga nagpalaganap ng naturang balita.


“Hindi ho ako nanugod sa dressing room. Hindi ho talaga. I also don’t know where people got that. Ang alam ko lang may isang dummy account na nag-tweet. It’s funny because naniwala naman agad lahat sila kahit it’s just words,” ani Andrea.

“Pero kasi meron ding entertainment reporter, may public figure na sinabi yun sa vlog niya which made the alleged rumor more credible for people to believe,” sunod na sabi pa ni Andrea

“I was mad furious, and I wanted to file a case sa mga taong nagpakalat noon,” dagdag pa ni Andrea na sa hinuha ng marami ay si Ogie Diaz ang pinatutungkulan niya.

Sa kanilang latest showbiz vlog ay isa nga sa naging paksa nina Ogie Diaz at kapartner nitong si Mama Loi ang naturang statement ni Andrea.

“Sa tingin mo nay, ikaw kaya ‘yun?” ang natatawang tanong ni Mama Loi kay Ogie nang simulan na nilang pag-usapan si Andrea.

“Basta, ayon sa aking source, ganun ang nangyari. ‘Di naman nanugod siguro, pumunta sa kwarto para sabihing, ‘May love team tayo,’” sagot ni Ogie.

“Well, kung ang stand d’yan ni Andrea ay hindi totoo, so be it. Edi hindi totoo,” saad ni Ogie kasabay ang tila pag korek niya sa sinabi pa ni Andrea na kung totoong nanugod siya ay kumalat sana ang video lalo pa’t maraming cctv sa ABS-CBN.

“Wala namang CCTV sa dressing room,” pakli ni Ogie na sinabayan ni Mama Loi ng tanong na, “Pero may mga taong nakakita?”

“Meron, sabi sa akin ha,” sagot ni Ogie at saka sinabing, “For as long as alam mo yung totoo, alam mo yung naganap doon, hindi kailangan ng validation ng tao…ngayon, kung ito ang sinasabi ni Andrea na hindi ‘yun totoo, edi ibigay natin sa kanya ‘yun.”



Ogie nag react sa nasabi ni Andrea patungkol sa nais nitong kasuhan ang isang showbiz vlogger
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments