Nilinaw ni Jason Hernandez ang mga fake news na lumalabas patungkol sa kanilang dalawa ng asawang si Moira
Nitong nagdaang mga araw lamang ay pumutok ang bali-balitang hiwalayan di-umano ng mag-asawang sina Moira Dela Torre at Jason Marvin Hernandez.
Bunsod ito ng kapansin-pansin umanong pag bubura ni Moira ng ilang litrato nila ng asawa niyang si Jason, maging ang ilang video sa kaniyang Tiktok account.
Nag trending at talaga namang pinag-usapan ng mga marites ang naturang isyu na siya rin namang mabilis na na-clear ng dalawa.
Sa kaniya ngang instagram stories ay nagbahagi ng litrato si Moira mula sa kaniyang bakasyon sa Singapore, hindi niya kasama ang asawang si Jason ngunit naka tag ito sa naturang litrato na ibinahagi niya upang tawagin ang pansin nito dahil kumakain siya ng paborito nitong ramen.

Samantala tila hindi pa natatapos ang isyu ng mga bashers at pinapalala pa ito ng marami, lalo na ang ilang Bongbong Marcos fans na nakikisali sa isyu.
Paratang ng ilang BBM supporters na magkaiba umano ng sinusuportahang pangulo ang dalawa, si Jason ay si BBM umano ang pambato, sinabi tin ng mga ito na si Moira ang umano’y nangaliwa.
“BYE Jowa! Bakit ba uso ang hiwalayan sa kakampinks? Una si Jover, then heto si Moira naman. Minana ba nila ugali ni Mrs. Robredo na hinihiwalayan din partner nyang si kiko?.
“Hmmm… weird itong case ni Moira. Ang mga wokes hoping that Moira is fine, when the chismis is, si Moira raw ang nangaliwa? Diba dapat si Jason ang i-pity nila?,” sabi ng BBM supporter na may tiwtter username na ‘@Gerswin33Horns’.

Nang aming siyasatin ang naturang twitter user account ay punong puno ito ng ilng paninirang salita laban kay VP Leni Robredo.
Kaya naman sa kaniyang twitter account din mismo ay nagsalita na ang asawang ni Moira na si Jason at ipinagtanggol sa mga malisyosong balitang inilalabas ng naturang fake news peddler.
Isa-isang nilinaw ni Jason ang lahat at sinabing hindi nangaliwa si Moira, lalong pareho sila na sinusuportahan si VP Leni at kasal pa rin.
- We’re still married
- Hindi nangaliwa si Moira
- We both support Ms. Leni
- Walang nag nakawan ng pera
- God is good

Jason Marvin nagsalita sa isyu ng hiwalayn kay Moira: “Hindi nangaliwa si Moira”
Source: Babaero Balita


0 Comments