Ibinida ni Heaven Peralejo ang kaniyang ‘soulmate’ sa kaniyang facebook page
Ipinasilip ni kapamilya actress Heaven Peralejo ang siyang kinikilala niya ngayong soulmate.
Sa kaniyang facebook page ay ibinahagi nito ang kaniyang litrato kaakibat ang isang caption na ikinatuwa ng marami.

“I think i found my soulmate,” sabi niya sa caption. Sa nasabing litrato nga niya ay makikita ang kaniyang mga ngiti habang nakatingin sa isang unggoy.
Kuha ang nasabing litrato mula sa Thailand kung saan nagbabakasyon ngayon ang aktres.
Ikinatuwa naman ng ilang netizens ang naturang post ni Heaven.

“Monkey be like “oh look, a human. How cute”
“He has a crush on you.”
Ginawa naman itong opportunity ng ilang kalalakihan upang magbigay ng admiration sa kapamilya actress.
“That’s me,” pakli ng isa.

“Yes finally you found me,” biro naman ng isa pa.
“I think I found my world”
Samantala, sa kabila ng paghahatid goodvibes post ni Heaven ay busy ito para sa kaniyang upcoming teleserye.
Kabilang kasi ito sa star studded series na ‘A Family Affair’ kung saan makakasama niya sina Ivana Alawi, Sam Milby, Jake Ejercito, Jameson Blake at Gerald Anderson.

Heaven Peralejo ipinakilala na ang tinagurian niyang ‘Soulmate’
Source: Babaero Balita


0 Comments