Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Ogie may isiniwalat sa isyung hiwalayan nina Moira at Jason: “Confirmed na may tampuhan”

Ikinuwento ni Ogie Diaz ang ilang nalalaman niiya patungkol sa isyu ng naging hiwalayan umano nila Moira at Jason


Nitong nagdaang mga araw lamang ay naging laman nga ng social media ang di-umano’y hiwalayan ng mag-asawang sina Moira at Jason.

Nag-simula ang haka haka matapos na mawala ang ilang larawan nila sa Instagram account ni Moira, maging ang ilang tiktok videos ay nawala rin.

Nag trending at agad na pinag-usapan ang dalawa, ngunit makalipas lamang ng ilang oras ay binasag agad ni Moira ang haka-haka matapos na i-tag nito ang asawa sa kaniyang IG story.


Lalo pang pinagtibay ni Jason na hindi totoo ang naturang isyu matapos na maglabas siya ng kaniyang statement sa pamamagitan ng isang tweet kung saan nilinaw nilang kasal pa rin sila ni Moira, walang hiwalayang naganap at walang third party sa kanilang relasyon.

Na pick-up ito ngayon ng showbiz manager at youtube vlogger na si Ogie Diaz at sa latest showbiz update niya ay nagbahagi siya ng ilang nalalaman patungkol sa mag-asawa.

Ayon kay Ogie na sa kaniyang nalamang istorya ay nagkaroon nga ng pagkakatampuhan sa pagitan ng mag-asawa na maaaring nauwi sa pag delete o archived ni Moira ng ilang litrato nila.

“May nakausap ako na nagkatampuhan lang yung dalawa,” panimulang hirit ni Ogie at saka naglabas si Mama Loi ng teorya niya sa mga nangyari.

Ani Mama Loi na maaaring bugso lamang ng damdamin niya (Moira) ang pagdi delete ng mga litrato at videos nila dahil na rin sa kanilang pagkakatampuhan.

Sa hinuha naman ni Ogie ay maaaring ini-archived lamang ni Moira ang mga litrato at anytime ay maaaring maibalik ito, “Pwede mong i-archives at ibabalik mo ulit,” ani Ogie.

Napansin naman ni Ogie ang kakaibang instinct ng masusugid na fans na napapansin agad ang ilang maliliit na pangyayari sa social media accounts ng kanilang mga idolo.

Sa huli nga ay sinabi ni Ogie na ang pangyayari ay normal na pangyayari lamang sa pagitan ng mag-asawang nagkakaroon ng tampuhan.

“Sabi ng source ko, may tampuhan ‘yung dalawa at normal lamang ‘yun. Confirmed na may tampuhan,” muling saad ni Ogie.



Ogie may isiniwalat sa isyung hiwalayan nina Moira at Jason: “Confirmed na may tampuhan”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments