Sinupalpal ni Gab Valenciano ang isang basher na inutusan siya patungkol sa kaniyang buhay
Laganap nga sa kasalukuyan ang kabi-kabilang bangayan ng magkakaibang panig ng mga taga suporta ng mga tumatakbong pangulo ngayon.
Kaya naman hindi na talaga maiiwasan ang pagkakaroon ng ilang mga bashers na nagtatago sa likod ng mga troll account at nagsasabi ng mga hindi nakakatuwang salita.
Ito nga ang naranasan ngayon ni Gab Valenciano matapos na gawing katatawanan ng mga BBM supporters ang kaniyang pagsasayaw, at may isa pa nga na humiling siya na mawala na.
“Ano pa inaantay mo brod kung makapuna ka kay tatay digs wagas… pakam*tay ka na… di na kaya ng depress*on mo eh,” saad ng basher kay Gab na ibinahagi ng director musician sa kaniyang twitter account sa pamamagitan ng isang screenshot.

Dito nga ay sinagot nito ang naturang kumento sa kaniya ng troll account at sinabing hinding hindi ito mangyayari lalo pa’t may masaya siyang pamilya.
“This is a reflection of society today. Kung sino ka man, God bless you. Trying to insult me means you are triggering millions of Filipinos struggling to make ends meet.
“Shame on you. I have a beautiful family, support system, and a God who loves me. Not my fault you’re miserable,” ani Gab.
Marami naman ang nagpakita ng pagsuporta nila kay Gab sa naturang tweet niya at natuwa sa tapang na opinakikita niya sa kabila ng pambabalahura sa kaniya ng marami.

“what a beautiful way to respond. thank you for all the work you’re doing for what’s right. it will be rewarded to you a hundred-fold. btw, the account has already been suspended,” reply sa kaniya ng isang supporter.
Bago pa man ang naturang tweet ng isang basher ay nagbahagi na ng kaniyang encouragement si Gab sa lahat upang malabanan ang anumang hamong kanilang pinagdadaanan.
“You are exactly where you need to be right now; whether it makes sense or not. Be patient and simply let life run its course.
“Take it one day at a time and remember that small victories matter. Don’t worry about where you are now, just be proud you’re not where you used to be,” tweet ni Gab.

Sinabihang mawala na sana siya, Gab Valenciano pumalag sa utos sa kaniya ng isang basher
Source: Babaero Balita


0 Comments