Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Vice Ganda viral sa kaniyang pahayag laban sa trolls at sa pink outfit niya

Pinag uusapan ng netizens na tila raw isa ring kakampink si Vice Ganda dahil sa kaniyang pink outfits


Viral at usap-usapan ngayon sa twitter world ang latest episode ng ‘It’s Showtime’ partikular na si Unkabogable star Vice Ganda.

Ibinida kasi ni Vice Ganda ang kaniyang outfit kung saan sa kabila ng magkakaibang kulay ay litaw na litaw ang kulay pink, lalo na ang kaniyang sapatos.

Sa kaniyang sapatos ay nangingibabaw nga ang kulay pink lalo na ang suot niyang medyas na kapansin-pansin ang rosas na bulaklak.


Bulong-bulungan tuloy sa twitterlandia na marahil ay ito na nga ang pahiwatig ni Vice Ganda na isa siyang kakampink, “Meme @vicegandako its a sign na po ba paki galaw ang baso … magiging superhappy talaga ako if vice ganda also want VP Leni to lead ..,” pakli ng isang twitter user.

Naging malaman din ang mga binitawang salita ni Vice Ganda laban sa mga trolls at alters na matatapang magsalita dahil sa hindi naman nila pangalan ang dinadala nila, mula sa Sexy babe segment.

Talamak nga ngayon sa social media ang pagkalitaw ng iba’t-ibang socoal media accounts na hindi naman nila pangalan o sa madaling salita ay trolls lamang na nagpapalaganap ng fake news.

“Kasi yung iba ang tapang pero pag tinignan mo, hindi naman nila pangalan, sa social media ang daming ganyan diba ang tapang ang kuda.

“Pero pag tinignan mo, woiii di mo pangalan, alter account eh… huwag matapang kung hindi totoong pangalan,” pakli ni Vice.

Sa kabila naman ng pagti-trending na ito ni Vice Ganda dahil sa kaniyang pink outfit ay hindi pa nito kinukumpirma o sinasabi kung sino nga ba ang susuportahan niya sa pagka pangulo.

Matatandaang naglabas na siya ng pahayag ng pag full support niya sa kandidatura ni Atty. Chel Diokno sa pagka senator, kung saan isa naman si Diokno sa mga tiket ng senators ng tambalang Leni-Kiko.

Bukod pa sa lahat ng ito ay matatandaan ring ilan sa mga malalapit na kaibigan niya ay mga kakampink, katulad na lamang ng co-host niyang sina Anne Curtis at Kim Chiu, maging ang kaibigang si Regine Velasquez Alcasid.



Vice Ganda viral sa kaniyang pahayag laban sa trolls at sa pink outfit niya
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments