Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Trina Guytingco, tinawag na “rumored boyfriend” si Joshua Garcia

Bakit nga ba tinawag na Rumored Boyfriend ni Trina si Joshua Garcia?


Mukhang nanunukso sa netizens ang trending basketball player na si Trina Guytingco nang tawagin niyang “rumored boyfriend” ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia.

Ito’y matapos magkomento ni Joshua sa kanyang recent Instagram post kung saan naglabas siya ng ilang snaps ng kanyang beach trip.

Nice shot!” Sambit ni Joshua sa comment section kung saan sumagot ang cager ng Ateneo de Manila University ng “thanks rumored boyfriend,” na dinagdagan nito ng mga laughing emojis.


Nangyari ang palitan ng nakakatuwang hirit ng dalawa matapos maging mainit na paksa sa sina Joshua at Trina sa social media noong nakaraang linggo, ito ay matapos na kumalat ang ilang mga snaps ng dalawa habang magkasama sila, kabilang na rin ang ilang malalapit na kaibigan nila.

Binulabog ng aktor ang netizens matapos nitong magpost ng mga larawan ni Trina habang nasa beach trip para ipagdiwang ang kaarawan ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Ang unang larawang sinimulan ng tsismis tungkol sa pagiging magkasintahan umano ng dalawa ay ang larawan ni Trina na kuha ng aktor na nakatalikod habang pinapanood nito ang paglubog ng araw.

Kinalaunan, mas maraming mga larawan pa ang nai-post, kabilang ang isa kung saan nakita si Joshua na ibinalot ang kanyang kamay sa balikat ng atleta.

Si Trina na lumaki sa California, ay naging matalik na kaibigan ni Bernardo. Lumipad siya sa Pilipinas noong 2015 para sumama sa women’s basketball team ng Ateneo.

Tinapos ng atleta ang kanyang UAAP stint sa Season 82 nang maiuwi ng kanyang koponan ang ikaanim na puwesto na may 5-9 win-loss card.

Kasalukuyan namang napapanood si Joshua sa primetime teleserye ng ABS-CBN na “Viral Scandal” kasama si Charlie Dizon. Nakatakda rin siyang magbida sa TV adaptation ng “Darna” ng ABS-CBN kung saan si Jane de Leon ang bida.



Trina Guytingco, tinawag na “rumored boyfriend” si Joshua Garcia
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments