Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Ina at kapatid ni Raquel Pempengco pumanaw na, Jake Zyrus walang paramdam sa ina?

Humingi ng tulong si Raquel Pempengco sa anak na si Jake Zyrus dahil sa magkasunod na pagpanaw ng Ina at kapatid nito


Magkasunod na dagik sa buhay ang kinahaharap ngayon ng ina ni Jake Cyrus na si Raquel Pempengco dahil sa magkasunod na pagpanaw ng dalawa sa mahal niya sa buhay.

Nitong Abril 03 nang pumanaw ang kaniyang inang si “Tes” Pineda Relucio na hindi na nagising mula sa kaniyang pagkakatulog sa kanilang tahanan.

At nito namang April 06 nang pumanaw naman ang kaniyang 52-year old brother niyang si Robert Pineda Relucio dahil naman sa aksidente sa motorsiklo.


Nakapanayam naman siya ng entertainment website na PEP at dito ay isiniwalat ni Raquel na bukod nga sa magkasunod na pagpanaw ng kaniyang ina at kapatid ay nalulungkot din siya dahil wala itong natatanggap na mensahe mula sa anak na si Jake Zyrus.

“Wala pang paramdam si Charice hanggang ngayon. Need ko talaga ngayon ang tulong,” panimulang sambit ni Raquel.

“Namatay naman ang kapatid ko na nagbabantay sa nanay ko. Kaninang umaga lang siya namatay,” dagdag pa nito ni mula sa interview sa kaniya ng PEP. ph.

May mensahe rin si Raquel para sa anak na si Jake: “Tulungan niya sana ako at hindi ko kakayanin. Ako lang ang inaasahan ng pamilya ko.”

Inamin ni Raquel na wala silang kumunikasyon ngayon ng anak na si Charice, o sa bagong pangalan niyang si Jake, na kasalukuyang naninirahan sa amerika.

Dagdag pa nga ni Raquel na nakakahiya man ay nawa’y tulungan siya ng kaniyang anak lalo pa’t hirap sila ngayon sa kanilang pamumuhay.

Matatandaan ngang ilan taon na ring hindi maganda ang relasyon nilang mag ina dahil sa mga hindi nila pagkakasundo sa buhay.



Ina at kapatid ni Raquel Pempengco pumanaw na, Jake Zyrus walang paramdam sa ina?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments