Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

John Arcilla may nakakatuwang hirit patungkol sa partnership ng ABS-CBN at GMA

May hirit si John Arcilla patungkol sa nabuong partnership sa pagitan ng ABS-CBN at GMA


Nitong nagdaang mga araw nga lamang ay gumawa ng kasaysayan ang ABS-CBN Kapamilya network at GMA kapuso network.

Ito ay matapos na pumirma ng kontrata ang magkabilang kampo upang maipalabas ang mga naglalakihang pelikula ng Star Cinema sa Kapuso network.

Masaya nga ang lahat sa panibagong partnership na ito ng ABS-CBN na sinasabi ng ilang netizens na tila pagtatapos na ng network war.


Bukod sa netizens nga ay nagbahagi rin ng kani-kanilang saloobin ang ilang mga sikat na personalidad partikular na ang award winning actor at kapamilyang si John Arcilla na ibinahagi ang kaniyang saloobin sa pamamagitan ng isang post sa kaniyang facebook account.

Sa kaniyang post ay nagbahagi ito ng isang litrato kung saan makikita ang pinagtabing logos ng ABS-CBN at GMA kaakibat ang pangalang GAMBAS na pinagsamang pangalan ng dalawa.

“I REALLY LOVE GAMBAS! This is such a very nice move altogether. May this partnership bring the “fan-thinkings” into a new level.

“That everyone can be friends for the better and for everyone’s advantage. That there is no point of hating each other since the people we’re trying to fight for can actually agree and befriend each other.

“Hope this will liberate the minds of fanatics about the culture of “HATE” that it is more enriching to LOVE and SUPPORT the people we love and the SHOWBUSSINESS in general.

“That looking at the good sides of each celebrities than picking on each other’s imperfections are more exciting. After all nobody’s really perfect and that includes us as fans.

“So let us all discourage the opportunies for HATE to reign. Talaga nga naman na mas Radikal ang magmahal sa mga panahon na ito. God bless everyone. No bashers and trolls allowed. PEACE,” ang buong sinabi ni Arcilla.

Sa isa pang hiwalay na post ay nagbahagi pa siya ng ilang suggestions ng netizens patungkol sa maaaring programa ng GAMBAS.

“So dahil NA-EXCITE tayo sa FB sa PAGSANIB PWERSA ng ABS AT GMA. Kanya kanya ng suggestion ng mga Combi Programs… so eto po ang resulta!,” ani Arcilla.



John Arcilla may nakakatuwang hirit patungkol sa partnership ng ABS-CBN at GMA
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments