Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Jessy Mendiola, umabot na sa 1M ang subrcibers sa YouTube

Masayang nagdiwang si Jessy Mendiola para sa kaniyang 1M YouTube Subscribers


Nagmarka ng bagong milestone ang aktres na si Jessy Mendiola sa kanyang vlogging journey nang sa wakas ay nakakuha siya ng isang milyong subscriber sa video-sharing site na YouTube.

Sa Instagram nitong Huwebes, nag-upload si Jessy ng clip na nagpapakita ng bouquet of roses na natanggap niya mula sa asawang si Luis Manzano, para batiin siya sa kanyang pinakabagong tagumpay.

Kalakip ng mga bulaklak ang mensahe nito na, “Congrats on 1M Howhow. You worked hard for that and deserved it. To 1M and more subs. Love you.”


“Finally hit 1M subs on YouTube! Thank you so much, my Howhow! I wasn’t expecting this. Thank you for your support and patience, my love. Ikaw talaga ang videographer/photographer ko. You always push me and motivate me especially when I’m about to give up. Thank you, thank you, thank you. I love you,” sambit ni Jessy sa kanyang Instagram caption.

Bukod kay Luis, nagpahayag din ng pasasalamat ang aktres sa kanyang loyal subscribers at team sa patuloy na pagsuporta.

“And of course, sa lahat ng subscribers ko! I’m so grateful for the support you have given me. Since day 1, andyan kayo at hindi niyo ako binitawan. Honestly, itong YouTube channel ko ang tumulong sa’kin mag-heal sa mga past heartaches ko. Through my content and vlogs, natuto akong ipakita ang totoong JESSY. Ngayon na dumadami na tayo, ibig sabihin minamahal niyo ang totoong ako. Hinding hindi ako magsasawa pasayahin kayo at ipakita ang buhay ko sainyo. MARAMING SALAMAT SA PAGMAMAHAL,” aniya.

“Sa team ko, mahal ko kayo. Andyan kayo para sa’kin kahit pa minsan ayaw ko na, palagi niyong pinapaalala sakin na lumaban lang at ipakita ang totoong ako. Kayo ang nagturo sakin na wala sa bilis ng views or subs yan kundi sa kung anong content ang nagpapasaya sa’kin at kung anong maluwag sa puso ko. Hindi ko akalain na magtutuloy tuloy tayo. Mahal ko kayo, you know who you are.”

Sa pagtatapos ng kanyang post, nangako si Jessy sa kanyang mga tagahanga na hindi siya magsasawang gumawa ng content na masaya, totoo, at mula sa puso.

“HAPPY 1M SUBS SATIN!”

Inaasahang makakatanggap ng Gold Creator Award o Gold Play Button mula sa YouTube si Jessy dahil sa pagkakaabot nito ng 1Million subcribers.

Sa isang nakaraang vlog, ipinaliwanag ni Jessy kung bakit siya nagpasya na magsimula ng isang channel sa YouTube, sinabi niya na ginawa niya ito para mas makilala siya ng mga tao.

Sa TV kasi or sa mga teleseryes, you play a role. Marami ring mga chika about you or mga kung anu anong intriga about you that people don’t know na sometimes hindi talaga totoo ‘yung mga bagay-bagay na ‘yun,” wika niya.

So the reason why I wanted to start my own vlog was for people to get to know me better. I read your comments, and of course, ‘yung mga not-so-nice comments nababasa ko rin na sinasabi nila, ang tagal tagal ko na raw nagva-vlog and hindi raw masyadong naggo-grow ‘yung subscribers ko.” 

“But the thing is kasi, I am not doing this for the [subscribers]. I am not doing this for the views only. I want to put out content that I really like. Hindi ako makulit na tao. Hindi ako madaldal masyado. Hindi ako ‘yung over the roof na energetic na tao. But you know, I’m just really enjoying doing this vlog. I’m just really happy that I have my own YouTube channel kasi here I could express myself properly,” dagdag niya. 



Jessy Mendiola, umabot na sa 1M ang subrcibers sa YouTube
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments