Ang kwento sa likod ng sarsa ng lechon ni Nadine Lustre
Ibinahagi ni Nadine Lustre ang kwento sa likod ng kanyang larawang bumibili ng lechon sauce sa Siargao na naging viral.
Sa isang panayam ng We Rise Together, sinabi ng aktres na aware talaga siya na may kumukuha ng litrato niya noon sa isang tindahan sa Siargao.
“Actually, alam ko na kinukunan ako ng picture pero kasi ‘yung time na ‘yun, sobrang gutom na ‘ko, sobrang pagod, nag-surf kami. Tapos bumiyahe pa kami. So, alam mo ‘yung gutom na gutom ka, tapos gusto mong kumain, tapos ‘yung chicken na nabili mo walang sarsa. So sabi ko bili muna ako sa tindahan,” aniya.
“Nakita ko na pinipicturan ako pero sabi ko na lang, bahala na, okay na ‘yan,” dagdag niya.

Naging viral meme sa social media ang larawan at sinabi ni Nadine na talagang kinikilig siya tungkol dito.
“Personally, I love memes, eh. Mas natuwa pa nga ako nang lumabas ‘yung photo na yon,” wika pa niya.
Sa parehong panayam, tinanong din ang aktres kung mas gusto ba niyang manirahan sa lungsod o sa isang isla.

“Definitely island life because I’m closer to nature. City life kasi sobrang bilis eh. Sobrang bilis ng city life, daming nangyayari, parang hindi ka makahinga, sobrang congested. So ‘yun, ako ‘yun lang just because feeling ko mas mai-enjoy ko ‘yung buhay ko sa isla rather than in the city,” sambit niya.
Matatandaang noong Disyembre 2021 nang ihayag ni Nadine na nagmamay-ari na siya ng isang lugar sa Siargao matapos ang ilang buwang pananatili sa isla.
“It’s so expensive to just get accommodation and then I’m staying there for months, weeks, so it’s going to be super expensive. At saka it’s nice to have your own place,” paglalahad ni Nadine sa isang vlog interview ni Dr. Aivee Teo.

Idinagdag niya na ang paninirahan sa Siargao ay nakatulong din sa pagpapabuti ng kanyang mental health.
“I feel like there’s a lot of weight that’s been lifted, and it just feels like, life in Siargao is so simple. I can go to a carinderia and eat there without any hassle,” pahayag niya.
Nadine Lustre, inalala ang kwento sa likod ng viral photo na may hawak na sarsa ng lechon
Source: Babaero Balita


0 Comments