Naglabas ng pahayag ang kampo ni Jake Zyrus kaugnay sa pagkamatay ng kaniyang Lola
Kamakailan nga lang ay pumanaw na ang Lola ni Jake Cyrus, na ayon sa ina nitong si Raquel Pempengco ay hindi na nagising mula sa pagkakatulong sa kanilang bahay.
Ilang araw nga lamang ang makalipas ng pumanaw naman ang tiyuhin ni Jake na kapatid ng ina niyang si Raquel dahil sa isang aksidente sa motorsiklo.
Dahil sa sunod sunod na pangyayaring ito sa kaniyang buhay ay lakas loob ng humingi ng tulong si Raquel sa publiko upang maihatid sa huling hantungan ang mga mahal niya sa buhay.
Kaakibat na rin ng pag hingi niya ng tulong ay ang pananawagan niya para sa anak na si Jake Zyrus na nawa’y tulungan siya nito ngayong nasa matinding dagok ng buhay ang pamilya niya, “Wala pang paramdam si Charice hanggang ngayon. Need ko talaga ngayon ang tulong,” ani Raquel.

At nitong nagdaang araw nga lamang ay opisyal na nagbahagi ng pahayag ang kampo ni Jake Zyrus sa pamamagitan ng ABS-CBN News.
Sa ipinadalang sulat ng talent manager ni Jake na si Carl Cabral ay naki-usap itong hayaang magluksa at tumulong si Jake in private sa kaniyang pamilya.

“This is a heartbreaking time for the family and those who love them dearly. Let us help the bereaved to mourn privately.
“We greatly appreciate your sincere sympathy during this time of grief and loss,” ang maikli ngunit malamang mensahe na ibinahagi ng kampo ni Jake.

Matatandaan ngang sa mga nakalipas na taon ay hindi naging maganda ang relasyon ni Jake Xyrus sa kaniyang pamilya dahil na rin sa tinahak niyang karera.
Itinakwil ni Raquel na si Jake Zyrus at sinabing hindi niya ito matatanggap at ang anak niyang si Charice Pempengco (ang unang pangalan ni Jake) ang kaniyang kinikilala.
2013 ng unang ipahayag ni Jake Zyrus ang tunay niyang katauhan at taong 2017 naman ng sumailalim siya sa operasyon para sa male chest reconstruction at testosterone treatment, kaparehong taon din ng palitan niya ang pangalan niya mula Charice Pempengco sa Jake Zyrus.
Kampo ni Jake Zyrus naglabas ng pahayag kaugnay sa pagpanaw ng kaniyang Lola
Source: Babaero Balita


0 Comments