Tila nagparinigan at nagsagutan sa social media sina Sharlene San Pedro, Ricci Rivero at Xian Gaza kaugnay sa mga scoop na sinasabi ni Xian
Kagabi nga ay naging laman ng social media ang nakakakilig na tagpo sa pagitan nina Ricci at Andrea matapos na ligawan nang una ang huli.
Isang matamis na Yes ang isinagot ni Andrea Brillantes sa manliligaw niyang si Ricci Rivero kaya naman nabalot ng hiyawan ang loob ng court kung nasaan sila.
At hindi rin naman nakaligtas sa paningin ni pambansang marites na si Christian Albert Gaza ang naturang kwento at nagbahagi siya ng kaniyang scoop.
Sa naturang scoop niya ay idinamay niya maging ang pangalan ng kaibigan ni Ricci na si Sharlene San Pedro, “JUST IN: Ricci Rivero, iniwan si Sharlene San Pedro para kay Andrea Brillantes! Petsa ng unang pompyangan, inaalam ng aming team!,” ani Xian Gaza.

Agad namang pinabulaanan ito ni Sharlene San Pedro sa kaniyang twitter account at sinabing fake news ang sinasabi ni Xian Gaza, na sinang-ayunan naman ni Ricci.
“Shoutout sayo Xian Gaza tama na pagpapakalat ng fake news. Napaka clout chaser mo talaga di ko alam bat may naniniwala pa sa mga walang basehan na chismis na kinakalat mo,” tweet ni Sharlene.
“Wala kasing nagkakagusto sayo ano kaya puro chismis kinakalat mo,” ani Sharlene. “so sikat na kami nito? chinichismis na kami eh,” sunod pa muling tweet niya.
“HAHAHAHA wala kasi ata talaga may gusto jan kaya ganyan!,” quote retweet naman ni Ricci sa naunang tweet ni Sharlene.

Hindi rin naman nagpatinag pang muli si Xian Gaza na tila natutuwa pa sa pagpansin sa kaniya nina Ricci at Sharlene, at saka magkasunod na nag post na tila parinig niya sa dalawa.
“NEWS HEADLINE: RIVERO AT SAN PEDRO, BINANATAN SA TWITTER ANG PAMBANSANG MARITES NG PILIPINAS! KUNG HINDI NAMAN PALA TOTOO, BAKIT SOBRANG DEFENSIVE NILA?!,” post ni Xian kaakibat pa ang screenshots ng mga tweets nina Sharlene at Ricci.
Sa sumunod pa niyang post ay tila pagpaparinig na muli kina Sharlene at Ricci ang kaniyang ibinahagi kaugnay na rin sa kung bakit tila walang nagkakagusto sa kaniya.
“Walang nagkakagusto sa akin kasi hindi naman ako basketball player. Milyonaryo lang ako. Try mo alisin yang basketball sa buhay mo eh mukha kang poging tambay sa kanto na suma-sideline sa parlor tuwing alas tres ng madaling araw. Promise,” ani Xian Gaza.
Xian Gaza, Sharlene San Pedro at Ricci Rivero nagpaparinigan kaugnay sa kwento ni Gaza
Source: Babaero Balita


0 Comments