Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Piolo Pascual at Kim Chiu, nag-endorso na ng kani-kanilang Party-list

Lumitaw sina Piolo Pascual at Kim Chiu sa mga campaign rally para sa kani-kanilang sinusuportahang party list


Tulad ng maraming celebrity, nasilayan narin ang aktor na si Piolo Pascual sa political ring sa pamamagitan ng pag-endorso ng party-list sa 2022 elections.

Tumungo ang Kapamilya actor sa Pagadian City, Zamboanga del Sur nitong weekend para maghayag ng suporta sa Ang Probinsyano party-list ni Congressman Edward de los Santos.

“Eto po ang unang kampanyang pinuntahan ko mula nang mag-umpisa ang eleksyon,” pahayag ni Piolo sa malaking bilang ng mga taong pumunta sa pagtitipon kung saan inawit niya ang “Mangarap Ka” at Hawak Kamay.”


Sa isang punto ng nasabing political event, isang tagahanga ang di napigilan ang sarili na sa sobrang excitement matapos makita sa personal si Papa P ang siyang lumabag sa seguridad at tumakbo sa entablado upang yakapin ang aktor na labis niyang ikinabigla ng marami.

“Sana po maging maganda ang kalalabasan ng ating eleksyon at maririnig ang boses ng mga probinsyano tulad ko,” ani ng aktor na ngayo’y kasalukuyang naninirahan sa isang seaside town sa Batangas.

“Ang boto natin ay mahalaga. Iboto lang natin ang nararapat.”

Sa kanyang unang pagsabak sa halalan ngayong taon, nanawagan din si Kim Chiu para sa responsableng pagboto. Pinili niyang iendorso ang partylist na SMILE o Samahan ng Mangagawa sa Industriya ng Live Events.

Habang nakaturo sa kanyang dimples, game na game na nagpose si Kim para sa kanyang pictorial kasama ang SMILE nominees na sina Anthony Lim, Greg Villaver, and Attorney Noy Ambray.

“Let’s vote wisely. This is our only chance to be heard,” ani ni Kim sa kanyang social media post.

“VOTING this election is the most powerful choice that we all have as tax payers and as Filipino Citizen. We need leaders not in love with money but in-love with justice.Not in love with publicity but in love with humanity.” 

Sinusuportahan ni Kim ang adbokasiya ng SMILE na protektahan ang mga interes ng mga manggagawa sa entertainment at live events, tulad ng mga stage technician na designer, photographer, videographer, florists, caterer, wedding at event planner, box office staff, booker, at industry artist.



Piolo Pascual at Kim Chiu, nag-endorso na ng kani-kanilang Party-list
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments