Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Kyle Echarri at Chie Filomeno, magtatambal sa seryeng “Beach Bros”

Magsasama sa isang serye sina PBB Kumunity Celebrity Edition ex housemates na sina Kyle Echarri at Chie Filomeno


Magbibida sina Kyle Echarri at Chie Filomeno sa pinakabagong serye na handog ng ABS-CBN na “Beach Bros.”

Kasama rin sa serye sina Kira Balinger, Angelica Lao, Sean Tristan, Raven Rigor, Lance Carr at Brent Manalo.

Ang seryeng isinulat nina Andrian Legaspi at Allan Cuadra ay ididirek ni Victor Villanueva.


Naglabas ng video ng story conference at look test highlight sa mga social media account nito ang show producer na Dreamscape Entertainment noong Linggo ng gabi para sa mga miyembro ng cast ng bagong aabangang serye.

Sina Kyle Echarri at Chie Filomeno ay parehong dating celebrity housemates ng “Pinoy Big Brother: Kumunity.”

Sa kanyang guesting sa “Magandang Buhay” noong nakaraang taon, ibinahagi ni Kyle kung paano sila naging matalik na magkaibigan ni Chie.

“Kaibigan ko naman po talaga si Chie. She’s been a very good friend, especially when I went to the (‘PBB’) house. I think one of the reasons why we’re close because we went through the same thing in showbiz na parang tinatrato kami ng mga netizen na parang lahat ng mga ginagawa namin ay mali. ‘Yun ang pakiramdam namin,” ani ni Kyle ng mga panahong iyon.

“And we felt like we both have to prove something in ‘PBB.’ And I felt like we were both fighting for our spot inside the house. Kaya po siguro kami naging close. Pero more than that, yeah kaibigan ko po talaga siya,” dagdag ng aktor at mang-aawit.

Sa “Magandang Buhay” din inamin noon ni Chie na may crush siya kay Kyle.

“Sino ba naman ang hindi magkakaroon ng crush kay Kyle. Sobrang talented niyang bata and ‘yung mindset niya very infectious,” paliwanag noon ni Chie.



Kyle Echarri at Chie Filomeno, magtatambal sa seryeng “Beach Bros”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments