May maagang pagbati si Regine sa birthday ni Kim Chiu
Sa kaniyang Instagram account ay naglabas ng kaniyang saloobin sa Asia’s songbird Regine Velasquez Alcasid patungkol sa isa sa pinaka kinaiirita niyang pangyayari.
Kaakibat pa ng naturang Instagram post ni Regine Velasquez ang litrato ng kaniya na ngayong maituturing na isa sa pinakamalalapit na kaibigan niya na si It’s Showtime host Kim Chiu. Ang naturang post niya ay pagbati pala para sa kaarawan ni Kim Chiu.

“Hay nako sobra na talaga akong naiirita sa mga taong lagi na lang inanakaw mga pictures ko tapos ipost sa account nila ba parang sila may…….
“Ay wait hindi ba ako to??? Kasi parang kapareho ng abs ko eh pasensya tao lang nangangarap lang Happy Birthday nga pala @chinitaprincess

Ibinahagi nga ni Regine na labis labis ang kasiyahang nadarama niya dahil sa pagiging super friends na nila ni Kim Chiu.
“Sobrang akong happy na super friends na tayo ngayon kasi alam mo naman I’m only friends with the rich and sikat you know No but I’m so happy getting to know you better you are a wonderful person ( bekenemen) Happy Birthday again our dear chinita,” buong post ni Regine.

Marami naman ang taga hanga niya ang sobrang naaliw sa mensaheng ito ni Regine para sa kaibigang si Kim Chiu, ang iba ay inakalang si Regine talaga ang naka two piece.
“Hahahhaha omg! Ate kalurkey i thought ikaw na may pa two piece dyan sa vacay nyo! wuvyuuu ate enjoy your vacay,” kumento ng isang fan.
Nagpasalamat naman si Kim Chiu sa maagang pagbati na ito ni Regine sa kaniya, “Awww!!! Hehhehe love you mis reg!!!! salamat sa pa advance birthday greetings. love you so much po!!! natawa ako sa caption!:) hehheheheheheh pa lechon na ba ulit miss reg???”
Ngayong paparating na April 19 ay ang ika-32nd birthday ni Kim Chiu.
Regine naglabas ng irita sa magnanakaw ng pictures, may advanced hirit sa birthday ni Kim Chiu
Source: Babaero Balita


0 Comments