Ano nga ba ang masasabi ni Andrea sa bagong tambalan nina Francine at Seth?
Nitong nagdaang araw lamang ay ipinakilala na ng ABS-CBN ang pinakabagong cast ng upcoming Dreamscape Entertainment TV series nila na Dirty Linen.
Pangungunahan nina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo ang naturang serye kung saan makakasama nila sina Francine Diaz at Seth Fedelin na unang beses na magtatambal sa isang proyekto.
Makakasama rin nila ang ilang malalaking artista kagaya na lamang nina Janice de Belen, Joel Torre, Susan Africa, Tessie Tomas, Nanding Josef, and Soliman Cruz.
Ito rin ay ang magsisilbing comeback serye ng child wonder noon na si Xyriel Manabat, kasama rin ang pinakabagong kapamilya na si Jennica Garcia kasama pa sina Epy Quizon, JC Santos, Christian Bables, Aubrey Miles, CJ Navato, Raven Rigor, Ana Abad Santos, Rubi-Rubi.

Mabilis ngang umingay ang naturang proyekto sa social media dahil na rin sa ito ang unang pagtatambal nina Francine Diaz at Seth Fedelin na kapwa nagmula sa magkaibang loveteam.
Matatandaan pang nasa iisang grupo lamang ang dalawa sa Gold Squad kung saan katambal ni Francine si Kyle Echarri habang si Andrea Brillantes naman ang katambal ni Seth Fedelin.
Hindi man ito ang unang beses na magsasama sila, mula sa mga seryeng Kadenang Ginto at Huwag Kang Mangamba, ay ito naman ang magsisilbing unang proyekto nila bilang magka loveteam.
Sa kaniyang social media accounts ay ibinahagi pa nga ni Seth Fedelin ang kaniyang kasiyahan ngayong may panibago siyang proyekto kasama ang kaibigang si Francine.

“Maraming salamat po sa itaas at sa mga taong patuloy na naniniwala sa akin, Salamat din po sa mga co-actor at mga direktor ko po dito na magsisilbing guro at mga kaibigan.
“Excited na po akong makasama kayo! @dreamscapeph @abscbn, maraming salamat po sa inyo!”, Dagdag pa nito habang naka tag si Francine: “At syempre good luck and congrats sa atin.”
At ang isa nga sa mga nagbahagi ng kumento ay ang ex loveteam nito na ex girlfriend din ay si Andrea Brillantes na nagpaabot ng masayang mensahe na; “Congrats!!” kaakibat ang emojis na blue heart, smiling face at sparkles.
Sa kasaluluyan ay wala pang ini aanunsiyong date o kung kailan maipapalabas ang serye, at tiyak na naghahanda na rin ang ilan para sa nalalapit nilang lock in taping.

Andrea Brillantes nag react na sa tambalang FranSeth nina Francine at Seth
Source: Babaero Balita


0 Comments