Nagpasalamat si Juday sa sorpresang hatid sa kaniya ni Sharon para sa kaarawan niya
Nagpapasalamat si Judy Ann Santos sa kanyang “ate” at kapwa aktres na si Sharon Cuneta sa pagsorpresa sa kanya sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-44 na kaarawan noong Miyerkules, Mayo 11.
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng premyadong aktres ang larawan ng magandang flower arrangement na natanggap niya mula kay Sharon habang buong-buo ang kanyang pasasalamat sa screen veteran para sa heartwarming gesture.
“This huge flower arrangement ang literal na bumulaga sa paggising ko kaninang umaga. My dearest ate @reallysharoncuneta never fails to make me feel loved since day 1 for 20 years ng pagmamahalan namin bilang magkapatid.. hindi man magkadugo.. ang respeto sa isa’t isa.. hinding hindi maitatanggi,” isinulat niya bilang caption.
Ayon kay Judy Ann, ang mas naging espesyal sa sorpresa ay ang sulat-kamay na note na kasama ng mga bulaklak, na pinirmahan hindi lamang ni Sharon kundi pati na rin ng asawang si Francis “Kiko” Pangilinan at kanilang mga anak.

“I love you ate and kuya. I’ll see you very very soon,” tugon ni Judy Ann sa mag-asawa.
Unang naging close sina Sharon at Judy Ann nang magkatrabaho sila sa pelikulang Magkapatid noong 2002.

Naalala noon ni Judy Ann na nasa kalagitnaan ng shoot nila para sa Magkapatid nang magsimula silang mag-open up ni Sharon sa isa’t isa.
“During our movie, ‘yung shoot natin, towards the mid-part, personal na ‘yung pinagu-usapan natin. Work habits, personal life, ‘yung problema ko sa trabaho ko, ‘yung problema ko kay Tito Alfie (Lorenzo, Judy Ann’s manager then). Alam ko ikaw ‘yung tinatawagan ko noon,” lahad niya.

“From then on, hindi [na] nawala ‘yung communication natin. I’d go to your concerts, you’d go to my premiere nights. Tapos hanggang sa mga birthdays ng mga bagets mo. ‘Yun na. Nagdire-diretso na.”
Para naman kay Sharon, inilarawan niyang “organically” na nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.
“Sa akin, nangyari siya organically, eh. Very naturally. Tapos, after the movie, parang lalong tumibay,” aniya.
“Sa akin talagang pamilya ka na, eh. Parang, super… it was just meant to be,” dagdag niya.
Juday, nagpasalamat sa sorpresa ni ate Shawie para sa kanyang kaarawan
Source: Babaero Balita


0 Comments