Ibinahagi ni Chito Miranda ang pagdadalawang isip niya noon bago tanggapin ang hamon ng pagiging judge ng Idol Ph
Nitong nagdaang Biyernes lamang ay isiniwalat na ng ABS-CBN ang mga bagong judges para sa ikalawang season ng Idol Philippines.
Nagbabalik bilang mga hurado sina Regine Velasquez Alcasid at Moira Dela Torre, habang dagdag naman sina Gary Valenciano at Chito Miranda.
Sa panayam sa kaniya ng TV Patrol ay ibinahagi ni Chito Miranda na ang asawa niyang si Neri Naig ang nagkumbinse na tanggapin ang proyekto.
“Sabi ng wife ko, ‘You need to step out of your comfort zone,’” kwento nito. “The night before pa, sabi ko, ‘Magagalit ka ba if I say no kasi I really didn’t want to do it. Sabi niya, ‘Oo, magagalit ako. So here I am now,’” dagdag pa nito.

Samantala matapos nga ng naturang anunsiyo ay masaya ring ibinahagi ito ni Chito sa kaniyang social media accounts.
Naibahagi nga rin ni Chito na noong season 1 pa lamang ay inalok na pala sa kaniya ang pagiging judge ngunit tinanggihan niya ito.

“I don’t judge…pero ngayon, ok lang, Nung season 1, they already asked me na maging judge for @idolphilippines but I declined because I didn’t think it would be fair for me to judge in a singing contest, knowing na di naman ako magaling kumanta.
“Pero ngayon, I finally agreed to go on the show kasi they explained to me, extensively, that even though it is still primarily a singing contest, hindi lang ito sa boses magkakatalo,” pagbabahagi pa ni Chito.

Ilan sa mga kaibigan niya ang nag congratulate sa kaniya dahil sa nasabing proyekto kabilang na si Angel Locsin na napasabi pa ng, “Ang galing mo daw sabi ni Moira!”.
Inaasahang eere ang pinakabagong season ng Idol Ph ngayong Hunyo na, mapapanood sa ABS-CBN Platforms na Kapamilya Online Live sa Social media, Kapamilya Channel sa cable at sa A2Z Channel 11 para sa free tv.
Chito Miranda bagong judge ng Idol Ph, nag dalawang isip pala bago tanggapin ang hamon?
Source: Babaero Balita


0 Comments