Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Vice nakipag meeting kay Bobot Mortis, ini-intrigang lilipat daw sa Kapuso network?

May pagkakataon nga bang lumipat ng ibang network si Vice Ganda?


Sa latest showbiz update vlog ng showbiz manager na si Ogie Diaz ay napag-usapan nila ang unkabogable star na si Vice Ganda.

Dito ay naibahagi ni Mama Loi, ang kapartner na kachikahan ni Ogie sa naturang vlog, ang ilang bulong bulungan patungkol sa tatahaking career ni Vice Ganda.

Ani Mama Loi na nakipag meeting di-umano si Vice Ganda kay Direk Bobot Mortis, ang dating direktor ng ilang hit shows ng ABS-CBN na ngayon ay nasa GMA na.


Dahil nga sa meeting na ito ay lumaki ang haka-haka na maaaring simula na ito ng pakikipag negosasyon ni Vice Ganda sa kapuso network ayon kay Mama Loi, ibinahagi naman ni Ogie ang ilan sa mga nalalaman niya kung saan kinumpirma niyang nagkaroon nga ng meeting sa pagitan nina Vice at Direk Bobot.

Nakadagdag espekulasyon pa ni Mama Loi na maaaring kunin di-umano ni Vice Ganda ang dating timeslot ni Willie Revillame sa Kapuso network.

“Ang nakarating sa akin, sabi nung isang common friend namin ni Direk Bobot, parang tungkol sa show sa abroad na pinag-uusapan yung dalawa.

“Yun lang yun, pero hindi ko alam kung bukod pa doon e nag-usap pa sila tungkol doon sa chismis na lilipat na si Vice,” paliwanag ni Ogie.

Sunod na inihirit naman ni Mama Loi ang di-umano’y kataka takang hindi pag attend ni Vice Ganda sa birthday ng isa sa big boss ng ABS-CBN na si Cory Vidanes, na dahilan pang muli upang lumipat ito.

Dahil sa kuro-kurong ito ay napag-usapan na rin nila kung mayroon pa bang existing contract si Vice ganda sa ABS-CBN.

Sa kabila naman umano ng lahat ng nangyari ay patuloy pa rin namang pumapasok si Vice sa It’s Showtime at masiglang nagpapasaya ng madlang pipol.

Sa sapantaha nila na marahil ay mayroon pa naman itong kontrata sa ABS-CBN at maaaring hindi pa ito nag e expire.

Samantala sa ilang nagdaang balita patungkol sa contract signing ay matagal nang sinasabi ni Vice na hindi niya iiwanan ang ABS-CBN, “Gusto ko nga sana 50 years na ang pipirmahan kong kontrata para isahan na lang,” sabi ni Vice noong pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN.

Matatandaang nasabi rin noon ni Vice na hinding hindi niya iiwan ang ABS-CBN dahil hindi siya nito iniwan noong panahong sadsad ang ratings ng It’s Showtime.



Vice nakipag meeting kay Bobot Mortis, ini-intrigang lilipat daw sa Kapuso network?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments